Sunday, August 6, 2017

PAANO AKO MAG-IINVEST? EH WALA NAMAN AKONG PERA!

Isa yan sa mga tanong na madalas kong matanggap mula sa mga kaibigan ko, sa mga katrabaho ko at kapag meron akong nakakausap na tao.

"Sir Francis paano ba ako magsisimulang mag-invest eh wala naman akong pera."
"Saan ho ba ako magsisimula eh wala naman akong ipon."
"Wala po akong idea sa pag-iinvest. Saan ho ako magsisimula?"
"Paano ho ako magsisimula eh wala akong trabaho."


Kaya naisip kong magbigay ng ilang tips kung paano ka nga ba makapagsisimulang mag-invest kung "Wala Kang Pera", "Wala Kang Idea", "Wala Kang Ipon" o "Wala Kang Trabaho."

1. WALA AKONG PERA. Unang-una, hindi ako naniniwalang wala kang pera. May pera ka naman talaga eh, nami-mismanage lang. Kumbaga, hindi lang siya naba-budget ng maayos at meron kalang ibang bagay na mas inuuna na ang sa tingin mo, yun ang mas mahalaga at yun ang dapat na mas pinag-lalaanan ng pera.

Naaalala ko pa nu'n kapag wala talaga akong pambili ng libro ay tumatambay ako sa PowerBooks sa SM Megamall para makapagbasa ng libre o kaya naman ay lihim akong magbabasa sa Natioanl Book Store (pasimpleng bubuksan ang libro) sa Shangrila Mall, uupo ka sa sahig at maya-maya ay nandyan na yung guwardiya para sitahin ka (Sir bawal po magbasa dito!) .

Ngayon tanungin kita, saan nga ba napunta ang sahod mo? Saan ka ba galing nung nakaraang gabi, sa'ng gimikan na naman? Saan ka ba nag-shopping nu'ng nakaraan, sa SALE na naman sa Malls? Saan ka naman ba gumala kasama ang tropa, nag-Tagaytay para mag-kape?

Photo credit: www.google.com

Kaya ngayon, I challenge you set your priorities. Ano ba yung goals mo? Ano ba yung mas dapat mong unahin at mas dapat mong paglaanan ng income mo? Kasi kaibigan, kapag tinuloy mo yang ginagawa mo ngayon, darating at darating ang araw na magkakaron kalang din kung ano ang meron ka ngayon dahil dyan sa ginagawa mo. Saka mahalaga na bago ka pumasok sa mundo ng pagi-invest, dapat ay mas unahin mo ang tamang paraan ng paghawak ng pera mo.


2. WALA AKONG IPON. Eto normal na normal to! Nu'ng walang trabaho, walang income at syempre wala ding ipon. Pero ngayon na may trabaho na, may income, walang ipon pero ang malupit ngayon, may utang na!


Normal kasi sa atin ang magdagdag ng gastos habang ang ating income ay nadadagdagan din. Halimbawa ay yung dating 3 in 1 na kape sa tindahan, ngayon halos pinandidirihan na dahil cheap daw. Dahil ang gusto ngayon, yung kape na may green logo, tapos iinumin sa lugar na malamig kasi may  aircon at medyo may kadiliman ang ilaw. Sabihin ko sa'yo, baka naman nagpapa-bebe kalang?!


Isipin mo ah, yung dating 3 in 1 na tig-si-six pesos lang, ngayon, 150.00 pesos na! Kung kokompyutin natin, yung kape mo na 150.00pesos, ang katumbas nu'n ay 25 (150/6=25) na inuman na kung hindi ka sana nagdagdag ng gastos at hindi ka nag-inarte.


Photo credit: www.google.com

Hindi ko sinasabi na 'wag ka bumili ng mamahalin na kape o kung anupamang mamahalin na bagay. Ang sinasabi ko lang, stick to your income and to your capacity. Aminin ko sa'yo, hindi pa ako nakabili ng kape sa Starbucks para sa sarili ko, nakabili ako one time dati pero yun ay para sa Supervisor ko (normal kasi sa dati kong pinagtrabahuhan na bigyan ng token ang supervisor kapag naka-hit ka nang malaking incentives, at kape ng Starbucks ang gusto niya).

Kung hindi kaya ay wag munang bilihin at kung hindi naman dapat ay wag mo munang unahin. Pwedeng pwede mo namang bilihin yan kapag marami ka nang investments. Saka kapag napalaki mo na ang income mo, kahit araw-arawin mo pa ang pagbili ng mamahalin na kape ay magiging ok lang!

3. WALA AKONG IDEA.
Eh paano ka nga magkaka-idea eh hindi mo naman sinisimulan? Kailan mo pa ba sinabi sa sarili mo na hindi mo alam ang pagi-invest, diba matagal na? Kung hindi alam ay magtanong, kung walang matatanungan ay mag-research. Sa panahon ngayon, napakadali nalang alamin ang sagot sa isang bagay na hindi mo alam ang sagot. Isang click lang sa internet at boom! Andyan na yung sagot.




Naalala ko way back 2009 (bago ako mag-college), summer time, nu'ng gigil na gigil akong matuto about sa Science specially about sa Astronomy. Naalala ko yung halagang 15 pesos ay pinag-iipunan ko pa ng isang buong linggo para lang makapag-rent sa computer shop ng 1 hour. Tapos ang gagawin namin, ido-download mula sa youtube yung mga videos na gusto naming panoorin tapos ay isi-save ko sa PSP (bigay ng Utol ko nasa abroad nu'ng mga panahong yun as Christmas gift last 2008). Sa pagkaka-alala ko ay nakakailang videos kami na nadodownload na kung papanoorin mo ay aabutin ng  limang oras pataas. Kung kokompyutin natin, kung pinanood ko sya sa computer shop, magbabayad dapat ako ng 75.00 pesos para sa limang oras.

Kaya ngayon kaibigan, hindi sapat na dahilan ang hindi alam. Pwede mo sigurong gawing dahilan yan kung sa umpisa palang. Pero kung paulit-ulit mong irarason yan, isa lang masasabi ko, katamaran na ang tawag diyan!

Isa pang mabibigay kong advise ay ang magbasa din online, halimbawa dito sa blog ko (simpleng promotion hehe). Unang-una ay hindi naman kita sisingilin sa pagbabasa mo dito at ginagawa ko din naman ito ng libre. Kaya wag ka mag-alala, wala namang mawawala sa'yo :)

4. WALA AKONG TRABAHO.
Eh di maghanap ka! Sasabihin mo ngayon wala kang maaplyan at walang tumatanggap sayo? Oo alam ko ang fact na marami sating mga Pilipino ang mga walang trabaho at mataas talaga ang unemployment rate natin sa Pilipinas. Pero ang tanong, ilang beses ka bang nag-apply, baka mamaya ay dadalawa o tatatlong beses lang pala?

Share ko nadin sa'yo. Alam mo ba nu'ng nag-aapply palang ako ay sampung beses akong bumagsak! Oo sampung beses! Sampung beses na failed sa job interviews! At lahat yun ay sa call center companies! Nabalitaan ko kasi noon na malaki daw ang sahod sa call center industry saka bayad daw ang lahat ng pinapasok mo at dalawang araw daw ang restdays kumpara sa dati kong part time na minsan ay inaabot kami ng 12 hours sa trabaho pero ang bayad lang ay ang 8hours at iisang araw lang ang wala kang pasok.

Kaya talagang sinikap ko nu'n na matanggap kahit na yung mga kasabayan ko sa paga-apply ay sumuko na makatapos ang isa, dalawa o taltong failed job interviews. Naisip ko nu'n, hanggang dito lang ba ang kaya ko? Kung hindi ako matatanggap sa isang call center company, eh paano pa kaya ang pagta-travel around the world diba? Sabi ko maliit na challenge lang to na dapat kung malagpasan at mapatunayan para sa napaka-laking mga pangarap ko. Hanggang sa ayon, dahil sa dagdag na pagsusumikap, natanggap din ako sa wakas! YES! CALL CENTER AGENT NA AKO! And the rest is history....



Add caption

Kaya ngayon, alam kung marami kang pagdaraanan na challenges bago ka tuluyang makatuntong sa mundo ng pagi-invest. Andyan ang kawalan ng kasama, kakulangan ng resources, kawalan ng pera at syempre ang katamaran at ang hindi maubos na dahilan.





Pero lagi mong isipin na lahat ng yan ay magiging kwento nalang kapag naging successful kana. Isang kwento na magsisilbing malaking inspirasyon para sa napakaraming tao.

Ayan,bago tayo magtapos ay may isa akong quote na gustong i-share sa'yo na mula noon ay tumatak na sa isip ko.

"You don't have to be great to start. But you have to start for you to be great." ~ Zig Ziglar


Sana ay marami ka uling natutunan sa maikli kong akda :) 

Friday, July 14, 2017

3 THINGS TO BE CONSIDERED BEFORE JUMPING YOUR CAREER FROM EMPLOYMENT INTO BUSINESS


1. CREATE AN EMERGENCY FUND - Kahit naman hindi ka magki-quit sa trabaho mo o kahit hindi ka magsisimula ng isang negosyo, it is always advisable to have your Emergency Fund. You should have a savings in total of atleast 6months of your monthly expenses. Dahil sa oras na mag-resign kana, wala ka nang aasahan na kinsenas-katapusan na sahod. At hindi porke't nag negosyo kana, ay siguradong kikita kana agad-agad. Minsan aabutin muna ng ilang buwan o taon bago ka makabawi (depende sa negosyo), ang masama nu'n ay baka malugi ka pa! Kumbaga, ito yung panggastos mo habang wala ka pang inaasahan na sahod.
Photo Credit: www.google.com


2. CAN YOU AFFORD WITHOUT A JOB - Kaya mo bang mabuhay ng wala ka nang inaasahan na fix na sahod? Paano si Judith? Este yung due date ng mga bills niyo? Paano yung kuryente, tubig at panggastos sa pang-araw-araw? 'Wag kang padalus-dalos sa pagde-desisyon, hindi porket nakakita ka ng isang magandang oportunidad o negosyo ay bigla-bigla mo nang papasukin at bigla-bigla ka nag magre-resign! Meron akong kakilala dati, na-orient siya sa isang networking business (I'm not against network-marketing, and else I'm a network-marketer). Nagjoin siya kinabukasan at hindi na pumasok sa trabaho, nag-AWOL (Absent Without Leave). Sabi daw kasi ng speaker, makakabalik daw ang ininvest niya makalipas ang ilang linggo at pwede siyang makabili ng kotse at lumaki ang cheke sa loob lamang ng ilang buwan (which is pwede naman talaga mangyari sa isang negosyo). 

Photo Credit: www.google.com

Pero sa kasamaang palad, makalipas ang ilang buwan, hindi siya naging successful sa networking business niya, ayun, balik siya sa pagiging empleyado. Hindi ba't isa sa mga rason kung bakit ka magre-resign ay dahil sawa kana sa trabaho mo at maliit ang sahod? Kaya kaibigan, hinay-hinay lang, wag padalus-dalos!

3. RESEARCH FOR YOUR DESIRED BUSINESS - Tulad nga nang nabanggit ko kanina, wag kang padalus-dalos. Mas maigi na habang nagta-trabaho ka pa sa company ninyo ay magresearch kana. Kung ang dating restdays mo na Saturday-Sunday ay pinang-gigimik mo lang, ngayon pwede mo siyang gamitin para bumili ng magazines, libro, magbasa ng articles sa internet o kaya umattend ng seminars na related sa naiisip mong negosyo. Sa ganitong paraan, mas makakatipid kana, mas magiging focus ka pa sa goal mo, at higit sa lahat, may mas mapapuntahan pang maganda ang kinikita mo!


Sana ay marami ka uling natutunan sa nagawa kong artikulo. Kung anuman yang business na naiisip mo kapatid, more power to you and hoping you all the good luck! Paalala ko lang ulit sa'yo, "Aral Muna Bago Negosyo".


Saturday, June 17, 2017

5 RASON BAKIT MO KAILANGANG MAG-INVEST

BAKIT MO KAILANGANG MAG-INVEST?

Marami sating mga Pilipino ang matatawag kong wala pang investment sa ngayon. Marami din sa atin ang "Walang Plano" o "Hindi Alam" kung paano mag-invest . Siguro dahil hindi nila alam ang kahalagahan ng pag-iinvest, pwedeng walang nagturo sa kanila/iyo, o kaya naman, mas pinili nilang 'wag alamin o wag pasukin ang mundo ng pag-iinvest. Kaya dito sa article na ginawa ko, gusto kong i-share sa inyo ang ilang mahahalang rason kung bakit  nga ba  natin kailangang mag-invest.

Una, Kasi May Pangarap Ka! - Lahat ng tao ay may pangarap. Pero ang tanong, lahat ba ng tao ay naaabot ang kanilang mga pangarap? Diba hindi? May taong gustong magkaroon ng malaki at magandang bahay, magkaroon ng magandang kotse, malaking savings, makapag-travel, makatulong sa pamilya at kung anu-ano pa! Pero ang tanong, lahat ba ng taong nangarap ay naabot ang kanilang mga pangarap? Ang sagot ay malaking "HINDI". Isang malaking rason ay dahil hindi sila natuto, takot o ayaw nilang mag-invest. Sabihin ko sa'yo, meron akong mga nakausap na nagtrabaho sa loob ng 20 years, 30 years at meron pa nga 50 years eh! Pero ngayon, kapos parin ang ipon  at nagsisisi sila dahil hindi sila nag-invest.
Photo Credit: www.google.com
Ngayon tanungin kita, sa ginagawa mo ngayon (hindi ka nag-iinvest), sa tingin mo, mas malaki kaya ang tyansa mo na maaabot mo ang mga pangarap mo?

Pangalawa, Para Sa Mas Magandang Kinabukasan - Binata ka man, may asawa o wala, pamilyado o hindi, may ngipin o wala, naniniwala ako na mas gusto mo ang magkaroon ng "MAS" magandang buhay, tama ba? Nanaisin mo ba na hindi makapag-aral ang mga anak mo ng dahil sa kapos kayo sa pera? Matitiis mo ba na mag-ulam ng asin kasi wala kayong pambili ng masarap na ulam? Kakayanin mo ba na mangupahan na lang at walang sariling bahay habang-buhay? At kaya mo rin ba na hindi maibigay sa kanila ang mga gusto nila at maranasan ang hirap na mga naranasan mo? Kung ang sagot mo sa mga 'yan ay "HINDI", kaibigan, mas kailangan mong mag-invest.

Photo Credit: www.google.com
Pangatlo, Ayaw Mong Mag-Trabaho Habambuhay - Sino ba naman ang may gusto? Wala naman yata! Siguro meron, pero sila yung mga taong talagang mahal  yung mga ginagawa nila o 'yung tinatawag na "Passion".

Gusto mo bang mag-trabaho kahit na uugod-ugod kana o matanda ka na? Gusto mo padin bang pumasok sa opisina kahit may sakit ka o hindi mo na kaya? 'Diba hindi naman? Ayaw mo man o hindi, darating at darating ang panahon na ikaw ay tatanda!


Atsaka kaibigan, kung ikaw ay nagta-trabaho ngayon, yung tipong badtrip ka sa boss mo at mga katrabaho mo, sawang-sawa ka na sa maliit na sahod at laging kapos. Kaibigan, mas kailangan mong mag-invest!

Pangapat , For Health and Sickness - Bakit madaming bata sa Pilipinas ang kulang sa sustansya? Hindi ba't dahil sa kulang sa pagkain o walang makain? Kaya't kung gusto mong makakain ng masusutansyang pagkain, kailangan mong bumili, kaya't kailangan mong mag-invest. Sa panahon ngayon, wala nang libre.
Photo Credit: www.google.com
Kapag nagkasakit ka, hindi ba't kailangan mo ding magpagamot o magpacheckup? Hindi ba't gastos na naman yun? Kaya't isang dahilan ng pag-invest ay ang paghahanda at pagpapaganda ng iyong kalusugan.

Panglima, To Help More People - Kapag may taong nangangailangan, sinong may mas kapasidad na tumulong, ang may pera o wala? Ayaw man nating aminin, may mas maraming nagagawa ang may pera kumpara sa wala.

Photo Credit: www.google.com

Tulad ng mga bilyonaryo sa mundo na sila Bill and Melinda Gates, Warren Buffet, George Lucas, nakapagbigay na sila ng bilyun-bilyong dolyar sa kanilang mga napili at naipagawang Charity Foundations. Hindi lang sila, kundi napakarami pang mga milyonaryo at bilyonaryo o yung tinatawag na philanthropist.

Pero hindi mo naman kailangan ng madaming-madaming pera para makatulong, may pera ka man o wala, kakaunti man o madami pwedeng-pwede ka padin tumulong. Ang ibig ko lang sabihin, mas marami kang matutulungan o mas malaki ang kapasidad mo kung mas marami kang pera. Kasi, pa'no mo matutulungan ang ibang tao pagdating sa pera kung ikaw pala mismo ay kinakapos  at walang ding pera?


PS - May mga natutunan ka ba sa mga nabasa mo? Share mo naman! dahil ang blessing, dapat isini-share yan! Tama ba? At kung meron ka namang naiisip na sa tingin mo ay ikagaganda pa ng nagawa kong akda, I'll be more than happy to hear that! So please send me a message so we can help more our fellow Filipinos!


Thursday, May 18, 2017

8 BELIEFS THAT WILL MAKE YOU POOR OR/AND WILL MAKE YOU STAY POOR

1.      YOU BELIEVE THAT MONEY IS THE ROOT OF ALL EVIL – An average person believes that “Money is the root of all evil.” While rich people believe that “It is the lack of financial education that will make you poor and will keep you poor forever.” Sabi nga diba, kung gusto mong maging isang inhenyero, dapat ay mag-aral ka ng mga engineering subjects. Kung gusto mo naman maging isang doctor, dapat ay kumuha ka ng medical course/s. Ganun din sa pagpapa-yaman kaibigan, kung gusto mong maging isang mayaman, dapat ay mag-imbak kadin ng aral-pinansiyal. Saka wala naman yan sa pera o kahit na anupamang bagay na hinahawakan mo, palagi, nasa humahawak padin yan kung gagamitin niya sa masama o gagamitin niya sa tama.


2.      YOU BELIEVE IN LUCK OR DESTINY – Ang isang taong may poor mindset, umaasa lang sa biyayang darating at  naniniwala sa suwerte tulad ng lotto, sugal, jueteng at bahala na si batman . Kaya nga ang buhay nila mahirap diba? Kasi ang ginagawa nila at kung paano sila mag-isip ay pang-mahirap lang din at katulad ng karamihan. Sabi nga, “If you don’t want to be like them, then don’t do what they have done. And if you want to be like someone, then ask him what he did and follow his advice.” Kaibigan, ikaw ang may hawak ng buhay mo, ikaw ang magde-desison para sa sarili mo at higit sa lahat, ikaw ang gagawa ng sarili mong kapalaran. Ikaw ang may hawak ng lapis ng buhay mo, kaya lagi mong tandaan, ikaw ang magsusulat ng libro ng buhay mo at ng susunod mong mga kabanata.


3.      YOU STICK TO YOUR PAST- There is a saying, “Past is Past.” Kaibigan, ang kahapon ay kahapon, ang ngayon ay ngayon, at ang bukas ay bukas. Kaya’t kung patuloy ka parin na nabubuhay sa iyong mga nakaraan, mahihirapan kang umabante sa byahe ng buhay mo. Dahil kung hindi mo napapansin, meron kang mga binibitbit na pabigat para makausad ka sa lugar na gusto mong puntahan at dapat mong mapuntahan. Mas maigi, iwan mo na muna sila, isantabi mo na muna sila, wag mo na muna silang intindihin at kung pwede, kalimutan mo na sila. Hindi bat mas madali ang maglakad at mas mabilis kang makaka-takbo mo kung wala kang dala-dalang mga pabigat?


Mapa-lovelife man yan, nag-break kayo last year? Ok lang yan, marami pang iba diyan! Mapa-career man yan, nalugi ka last year? Ok lang yan, a real investor fails first to his 1st and 2nd attempts, but still, he stands up and never give up! Bagsak ka sa school, ok lang yan! Tandaan mo, si Albert Einstein ay ilang beses bumagsak sa mga subjects niya nu'ng nag-aaral pa siya noon. Pero ngayon sino siya? 'Dibat isa siya sa pinakamagagaling sa kasaysayan? Kaya ok lang yan!

4.      YOU BELIEVE THAT IT TAKES MONEY TO MAKE MONEY – This is one of my beliefs before, I believe that it takes money to make money. Hindi ko maintindihan, dahil kung talagang isiipin mo, bago ka naman talaga makapagsimula ng isang negosyo ay kailangan mo ng pera. Bago ka din makapag-simula ng isang investment ay syempre kailangan mo din ng pera. Kaya pano mo masasabi na ‘'It does not take money to make money'’, tama ba? But throughout my journey in  this Financial World, I am now convinced that it does not take money to make money, it takes Right Financial Education. To give you a heads up, rich people uses other peoples’ money to make more money.


5.      YOU BELIEVE THAT INVESTING IS RISKY – Akala ko dati, you need to have an extra super majic formula if you want to become rich or if you want to start investing. Kaya ang mindset ko dati, kung mas madami ang mahihirap sa mundo kumpara sa mga mayayaman, ibig sabihin, meron kang mga dapat gawin na hindi ginagawa ng pangkaraniwang tao (Oo totoo yun, but not the end of the story)

Kaya ang paniniwala ko dati, sobrang mahirap ang pagpapayaman, pag-iinvest at hindi basta-basta (Yes mahirap talaga siya kung hindi mo alam ang ginagawa mo). Sabi nga ni Warren Buffet, “Risk comes from not knowing what you are doing.” 

Kaya if you want to start investing or if you want to have a business, I highly suggest to plan first, ask for an expert, read some articles, at syempre ang pinaka-mahalaga para sakin sa lahat, is to start and keep educating yourself.


6.      YOU HAVE FULL OF DOUBT – Duda ka ng duda, ang tanong ko sa’yo, may napuntahan na ba yang kakaduda mo na yan ah? Duda ka dito, duda ka doon, pati mukha mo nagmukha na tuloy kaduda-duda hehe biro lang :).  Kaibigan, kung ang lahat ng bagay sa mundo ay pagdududahan mo, sa tingin mo saan ka kaya makakarating? Hindi ba't kung panay ang duda mo at lagi kang takot na sumubok ay mas kakaunti lang ang mararanasan  at mga matututunan mo? Kaibigan, kailangan mo ng kaunting tapang at lakas ng loob kung talgang gusto mong maging successful at magtagumpay sa buhay. Walang taong naging mayaman at natupad ang mga pangarap ng panay lang duda ang ginawa at walang ginawang aksiyon.


7.      YOU DON’T BELIEVE IN YOURSELF - Sabi nga ni Henry Ford, "Whether you think you can or you can't, you're both correct." Ayan ang isa sa pinaka-wag na wag mong gagawin, ay ang pagdudahan ang sarili mong kakayahan. Dahil alam mo ba, sa oras na wala nang ibang tao ang naniniwala sa'yo, ok lang yun, dahil ang higit sa lahat ay naniniwala kapa rin sa sarili mo. Kung titingnan mo ang kasaysayan, sila Michael Jackson, Albert Einstein, Oprah Winfrey, Steve Jobs, Thomas Edison at marami pang iba, napakarami ding tao ang hindi naniwala sa kanila. Pero pinagpapatuloy nila ang gusto nila dahil alam nilang kaya nila at higit sa lahat, may tiwala sila sa sarili nila. Kaya kaibigan, nagtitiwala ako sayo at dapat magtiwala kadin sa sarili mo, ok? Dahil lahat ng pwede mong gustuhin sa mundo ay kaya mong maabot, basta lakpan mo lang ng sapat na aksiyon, at syempre, pagtitiwala sa sarili.


8.      YOU BELIEVE THAT RICH PEOPLE ARE GREEDY - Tanungin kita, may kilala ka bang tao na mahirap pero mukhang pera? Sigurado ako meron kang kakilala. Dahil kung ako ang tatanungin, hay naku, hindi ko mabilang! Haha :D . Tama ba? Wala naman sa status yan kung greedy ang isang tao o hindi eh, mapa-mayaman o mapa-mahirap, may mga taong greedy pa din. Atsaka kung pagiging greedy ang paguusapan, wala naman sa dami ng perang pag-aari yan eh, nasa ugali yan, paniniwala ng tao at higit sa lahat ay takot sa Diyos. 

Alam mo ba na ang mag-asawang Bill at Melinda Gates ay merong itinatag na foundation, ito ang pinaka-malaking foundation sa buong mundo kung saan ang goal nito ay makapag-bigay ng mabuting kalusugan at mabawasan ang sobrang taas na kahirapan. Hindi lang milyon sa pera nila ang napupunta sa foundation kundi bilyun-bilyon, ibig sabihin, ibinabalik nila yung ilan sa mga perang kinita nila sa publiko para makatulong lalung-lalo na sa mga mahihirap. Ngayon tanungin kita, lahat ba ng mayayaman ay greedy? At kung "OO" ang sagot mo, kaibigan, nasa isip mo lang yan...


PS-May mga natutunan ka ba sa mga nabasa mo? Share mo naman! dahil ang blessing, dapat isini-share yan! Tama ba? At kung meron ka namang naiisip na sa tingin mo ay ikagaganda pa ng nagawa kong akda, I'll be more than happy to hear that! So please send me a message so we can help more our fellow Filipinos!

Sunday, March 12, 2017

ILANG HAKBANG PARA MAKABAYAD SA PAGKAKA-UTANG

1. Stop Creating More Debt - Sabi nga nila, kung alam mo raw na nasa hukay kana at ayaw mo nang bumaon pa, ang pinaka-una mo daw na gagawin ay tigilan ang paghuhukay. Parang ganun din sa pagma-manage ng utang, pinaka-una mong dapat gawin ay ang tumigil sa pangungutang.

2. Know the Difference Between Good Debt and Bad Debt - Meron dalawang uri ng utang, ang Good Debt at ang Bad Debt. At napaka-importante na malaman mo ang pinagkaiba ng dalawa. 'Eto, bigyan kita ng ilang halimbawa;

Good Debt - Home Loan, Car loan for business purposes, Educational Plan and Setting up a business or good investment.
Bad Debt - Kotseng pamorma, mamahaling mga damit na hindi naman kaya, misused of credit cards,pagkain sa mga mamahaling restaurant  at expensive travel.





3. Increase Your Income - Syempre, mas maganda din kung madadagdagan ang pagpasok ng pera. Pwede kang maghanap ng extrang pagkakakitaan or part-time business. Pwede kang magtayo ng maliit na sari-sari store, pwede kadin maging isang distributor sa isang kompanya tulad ng Avon, Boardwalk o kung gusto mo, pwede kadin maghanap ng isang networking company, but make sure, it's legal and not a scam or pyramiding.
4. Talk to your Card Company - Pwedeng-pwede mong kausapin ang iyong card company o yung bangko na pinagkaka-utangan mo. May mga bangko na bibabaan nila ang interest na binigay sa utang mo at meron din naman mga bangko na tinatanggal lahat ang interest sa inutang mo basta magbibigay kalang ng deadline na talagang mababayaran mo ang lahat ng utang mo sa kanila. Sa ganitong strategy, magkakaroon kayo ng agreement between you and the bank.

5. Ask Help for a Financial Expert - Kung manghihingi ka ng advice, mas maigi kung sa mas nakakaalam. Sabi nga nila 'diba, kung may sakit ka daw na nararamdaman, kanino ka lalapit, sa doktor o sa taxi driver? Syempre sa doktor kasi siya yung mas nakakaalam. Eh kung may sira naman yung sasakyan mo, kanino ka lalapit, sa doktor ba o sa mekaniko? Syempre, du'n ka sa mekaniko na mas nakakaalam. Parang ganu'n din pagdating sa finanes kaibigan, mas maigi kung magtatanong ka mas nakakaalam tulad ng mga financial planner or financial advisor. Merong mga financila planner na nanghihingi ng bayad o naniningil at meron din namang mga financial planner na naga-advice ng libre.



6. Know the Reasons Why you have Debt - Bakit ka nga ba may utang? Saan mo ba ginamit? Pinambili ng gadget? Pinang-swimming sa Bora? Pinang-travel sa Palawan? Pinang-binyag ng pang-siyam mo na anak? Ginamit sa gradution o sa piyestahan? O baka naman pinag-date lang kay jowa?

Maigi na malaman mo kung saan mo ginamit ang pinangutang mo. Para sa susunod, pwede mo na siyang maiwasan at hindi mo na mauulit. Kumbaga, know your mistakes and learn from it.



7. Change Bad Spending Habits - Maigi din kung maba-budget mo na ng maayos ang pera mo. Nitong nakaraan, meron akong ginawang isang article kung saan pwede mong malaman kung dapat mo ba talagang bilihin ang isang bagay o hindi. Diniscuss ko du'n ang Tatlong Mahiwang Tanong bago ka mag-desisyon na gumastos o maglabas ng pera. Pwede mong i-click ang link na ito.


8. Paying Plan - Syempre, kahit na anong bagay naman na gusto mong gawin ay magsisimula sa plano. Kung ayaw mo naman talagang bayaran ang lahat ng pagkaka-utang mo, kahit gaano pa kalaki ang kitain mo at kahit abutin pa tayo sa sementeryo ay hinding-hindi mo yan mababayaran .Pero kung gusto mo naman talagang mabayaran ang lahat ng utang mo, mababayaran at mababayaran mo yan kahit na gaano pa yan kalaki basta't magsi-set kalang ng maganda at epektibong plano.


Hindi mo naman kailangan na bayaran sila ng biglaan o isang bagsakan dahil sigurado ay mahihirapan ka. Pwede mo silang bayaran ng paunti-unti. Pwede mo silang kausapin na kada sahod mo ay mag-aabot ka ng ganitong amount, para pagdating ng ganitong date ay mababayaran mo na sila ng buo.

Sabi nga nila, lahat daw ng tao ay pagkakautang. It's either utang na loob, utang na buhay o utang na pera. Payong kaibigan, sana ay 'wag nating kalimutan ang lahat ng pinagkaka-utangan natin, dahil kung hindi mo nakakaligtaan, sila ay may malaking naitulong sa ating nu'ng tayo ay nangangailangan. Sila ay nagsakripisyo para tayo ay matulungan, at sana naman, ating naisin na sila ay mabayaran.




Thursday, February 9, 2017

TATLONG MAHIWAGANG TANONG

Ang haba naman ng pila sa ATM...
Ano kayang meron?
Ahhh...Oo nga pala, a-trenta pala ngayon.
Sahuran na naman.
Suweldo na naman...
Saan kaya masarap gumastos?
Ano kaya ang magandang bilhin ngayon?
Saan kaya magandang pumunta?
Ano kayang masarap kainin?
Saan kaya masarap makipag-date?

Ilan yan sa normal na nangyayari at ilang mga tanong tuwing kinsenas-katapusan. Naa-alala ko samin, tuwing araw ng sahuran, hay naku, napakahaba ng pila sa ATM!  Minsan natatanong ko, bakit nga ba ang haba-haba? Bakit nga ba sabay-sabay sila kung mag-withdraw ng pera? Hindi ba pwedeng yung iba ay bukas at yung iba naman ay sa mga susunod na araw? Excited ba silang kumuha ng sahod? Bakit nga ba ganun?

Hanggang isang araw, may isa akong ka-trabaho, lumapit sya sakin ilang araw bago ang sahod. Ganito yung naging pag-uusap namin, 

"Uy pre, may extra ka ba diyan?"

Tanong niya sakin,

"Sakto lang pre, bakit ba?"

Sagot ko sa kanya,

"Pamasahe ko lang kasi sana pauwi eh!"

Sagot niya,

"Oh, bakit nawalan ka ba ng pera?"

Tanong ko ng medyo nagulat at ng may pagtataka,

"Hindi pre, nagastos ko kasi eh, nag-date kami ni Babe"

Sagot niya na para bang medyo nahihiya,

"Ahhh...sa mamahaling restaurant na naman kayo kumain 'no at bumili na naman kayo ng kung anu-ano 'no?

Sagot ko ng may pagka-sigurado,

"Oo"

Sagot nya ulit sa mahinang boses,

"Ahhh...Kaya pala...Sabi ko na eh!"

Ang ganitong pangyayari, normal 'to sa iibang empleyado. At may mga pagkakataon din dati na nangungutang ako sa mga ka-trabaho ko, kaibigan ko, kapatid ko, nanay ko, at kahit pati sa girlfriend ko, hiya na 'kong hiya, ang mahalaga ay wala akong ginagawang masama. Anong magagawa ko, eh kapos talaga eh, eh kaysa naman sa magnakaw, eh di mangungutang nalang ako. Ganyan ang prinsipyo ko dati, utang o nakaw? Syempre utang nalang... hehe :)

Tuwing darating kasi ang sahod, hindi ko mapigilan ang bumili ng aking luho---mga damit. Bawat tao ay may bisyo; bisyo sa alak-sigarilyo, bisyo sa pagbabasa ng libro, bisyo sa pagtitipid, bisyo sa paggastos, bisyong tumulong, bisyong gumawa ng masama, bisyong magtrabaho, bisyong mag-aral at kung anu-ano pang mga bisyo. Pero sa akin, kung damit ang pag-uusapan, ubos kung ubos hanggat may nakikita akong maganda at feeling ko ay ikaga-gwapo ko, syempre bibilhin ko hehe :)

Tapos minsan, ilang araw pakatapos bumili. Minsan parang nagsisisi ako, yung iba hindi ko naman pala magagamit, binili ko sya kasi naka-sale lang. Bumibili pa ako dati ng mga damit na pan-lamig, sabi ko magagamit ko 'to balang araw pag pumunta ako sa ibang bansa, pero hanggang ngayon, ayon nakasiksik padin sa aparador ko. Meron ding mga pagkakataon na napapabili ako kasi napasubo lang, yung tipong kasama mo yung mga ka-trabaho, kaklase o kaibigan mo, kung ano yung bibilhin nila ay bibilhin mo nadin. 

Hanggang one time, meron akong isang kaibigan, tinuruan nya ako ng isang effective na strategy kung paano nga ba ang tamang paghawak ng pera. At ngayon, iyon din ang isi-share ko sa inyo.

TATLONG MAHIWAGANG TANONG:

1. GUSTO MO BA?

Gusto mo ba talaga?

Baka naman napa-subo ka lang?
Baka naman nahihiya ka lang?

May mga pagkakataon kasi na napapa-bili tayo ng mga bagay na hindi naman talaga natin gusto. Madalas mangyari 'to sa mga pagkakataon na kasama mo yung mga ka-trabaho mo, kaklase o kaya naman ay nahiya ka lang sa sales lady dahil sa galing nyang magbenta. O kaya naman yung tipong tanong ka ng tanong sa saleslady pero sa huli wala ka naman pala magugustuhan, kaya bumili ka nalang para hindi naman nakakahiya, dati madalas mangyari  'to sakin  hehe :).

Halimbawa ay nag-shopping kayo, kasama mo yung mga kaklase mo, katrabaho o mga kaibigan. Kung ikaw yung tipo ng taong medyo mahina ang loob, kapag na-pressure ka ng mga kasama mo, tulad nito;

"Sige bagay sayo yan"
"Sige bilhin mo na"
"Minsan lang tayo lumabas eh!"
"Gumastos ka na mura lang naman eh!"
"K.J naman neto"
"Kapag bumili ako, bibili kadin ah!"
"Bili tayo ng magkaiba tapos hiraman nalang tayo ah!"

Ilan yan sa mga madalas na marinig ko tuwing lalabas kami dati lalung-lalo na sa mga babae kong kasama 'yung "Bili tayo ng magkaiba tapos hiraman nalang tayo ah!" . Kaya ngayon, bago bumili ng isang bagay, tanungin mo lagi yung sarili mo kung gusto mo ba talaga. Wala namang masamang tumanggi, explain mo lang sa kanila na ayaw mo o hindi yun ang taste mo, sigurado maiintindihan ka rin nila.

2. KAILANGAN MO BA?

Kailangan mo ba talaga?
Baka naman gusto mo lang?

Madami kasing mga pagkakataon na napapabili tayo ng mga bagay na hindi naman talaga natin kailangan. Kahit gusto lang natin, kinu-kumbinse natin yung sarili natin na ,

"Hindi kailangan ko to, wala na akong ganito eh, luma na yung ganito ko, pangit na tingnan".

Kahit na ang totoo, meron ka pa nu'n, kakabili mo pa lang, at yung ganun mo nga ay ilang beses mo pa lang na nagagamit. 

Madalas mangyari ang mga ganyang pagkakataon sa mga damit, sapatos at cellphone.

Halimbawa sa cellphone, may bagong labas na i-phone. Sasabihin mo agad sa sarili mo 

" Ay naku may bago, kailangan ko yung mga bagong specs nun, kailangan ko ng mas mataas na memory, mas magandang camera at mas bagong OS"



Pero ang totoo, yung memory na gamit mo ay hindi pa nga puno, yung camera mo ay puro pang-selfie lang naman at yung OS na gamit mo ay pang pa-flappy bird at candy crush lang naman. Ang totoo, gusto mo lang na may mai-pagyabang ka sa mga kaklase at mga katrabaho mo. Feeling mo kasi, pag may bago, astig ka, pag ikaw lang ang meron ay sikat ka!

Oo, sabihin na natin may bago kang gadget, pero bukas ba at sa mga susunod na araw ay meron ka pang budget? Oo meron ka ngang bagong cellphone na labas, pero baka naman ang iyong bulsa ngayon ay butas?

Kaya ngayon, bago bumili ng kahit na ano, tanungin mo ng ilang beses ang iyong sarili kung kailangan mo ba talaga. Kung ang sagot ay hindi, isipin mo muna yung mga bagay na dapat na pagka-gastusan. Kung ang sagot mo naman ay hindi pa malinaw kung kailngan mo ba talaga o hindi, mas maigi na palipasin mo muna ang isa o dalawang araw at muli mo itong pag-isipan. Baka mamaya bill nyo sa tubig at kuryente ay hindi pa pala bayad, baka pati mamaya yung tuition mo din pala sa school ay hindi padin pala fully paid.

3. KAYA MO BA?

May pera ka ba?
Baka naman wala?
Baka naman ipangungutang lang?

Baka naman mamaya, pati luho mo ay pinangungutang pa! Kung wala din namang pera, magtiis na muna. Ang gawin mo sa ngayon, gawa ka muna ng paraan para madagdagan ang kinikita o mabawasan ang ginagastos. Para sa susunod, pwede mo syang balikan at mabibili mo na sya.

Mahalaga din na malaman natin na merong dalawang uri ng utang, ang Good Debt at Bad Debt.

Bad Debt - Kadalasan ito yung mangungutang ka para sa mga bagay na gusto mo at hindi naman talaga kailangan. Tulad ng kotseng pamorma, gadget na pang-yabang, damit na pang-social-climber at mga bagay-bagay na walang balik o hindi lalago ang pera.

Good Debt -  Ito naman yung mangungutang ka para mas lumago ang pera at para sa ika-gaganda ng kinabukasan. Halimbawa ay para sa educational plan ng mga bata, loan para sa business, o kotse for business appointments.

Ngayon, bago bumili ay siguraduhin na ito ay Good Debt at hindi Bad Debt. Wala namang masama na bumili ng mga luho kung ito ang magpapasaya sa'yo bastat siguraduhin lang na walang ibang maaapektuhan at ito ay hindi makakasama.

Kaya ngayon, kapag dumating ang sahod o dumating ang allowance, mahalaga na itanong na muna natin ang Tatlong Mahiwagang Tanong. Para naman bukas, ang iyong bulsa ay hindi mabubutas, at para kapag may dumating na sakuna, ikaw naman ay hindi mangangapa sapagkat ikaw ay nakapag-handa. 

Meron ka bang natutunan sa article na ginawa ko? At sa tingin mo ba ay dapat din itong mabasa ng iba? Kung ganun, i-share mo na, natuto ka na, nakatulong ka pa!