BAKIT MO KAILANGANG MAG-INVEST?
Marami sating mga Pilipino ang matatawag kong wala pang investment sa ngayon. Marami din sa atin ang "Walang Plano" o "Hindi Alam" kung paano mag-invest . Siguro dahil hindi nila alam ang kahalagahan ng pag-iinvest, pwedeng walang nagturo sa kanila/iyo, o kaya naman, mas pinili nilang 'wag alamin o wag pasukin ang mundo ng pag-iinvest. Kaya dito sa article na ginawa ko, gusto kong i-share sa inyo ang ilang mahahalang rason kung bakit nga ba natin kailangang mag-invest.
Una, Kasi May Pangarap Ka! - Lahat ng tao ay may pangarap. Pero ang tanong, lahat ba ng tao ay naaabot ang kanilang mga pangarap? Diba hindi? May taong gustong magkaroon ng malaki at magandang bahay, magkaroon ng magandang kotse, malaking savings, makapag-travel, makatulong sa pamilya at kung anu-ano pa! Pero ang tanong, lahat ba ng taong nangarap ay naabot ang kanilang mga pangarap? Ang sagot ay malaking "HINDI". Isang malaking rason ay dahil hindi sila natuto, takot o ayaw nilang mag-invest. Sabihin ko sa'yo, meron akong mga nakausap na nagtrabaho sa loob ng 20 years, 30 years at meron pa nga 50 years eh! Pero ngayon, kapos parin ang ipon at nagsisisi sila dahil hindi sila nag-invest.
![]() |
Photo Credit: www.google.com |
Pangalawa, Para Sa Mas Magandang Kinabukasan - Binata ka man, may asawa o wala, pamilyado o hindi, may ngipin o wala, naniniwala ako na mas gusto mo ang magkaroon ng "MAS" magandang buhay, tama ba? Nanaisin mo ba na hindi makapag-aral ang mga anak mo ng dahil sa kapos kayo sa pera? Matitiis mo ba na mag-ulam ng asin kasi wala kayong pambili ng masarap na ulam? Kakayanin mo ba na mangupahan na lang at walang sariling bahay habang-buhay? At kaya mo rin ba na hindi maibigay sa kanila ang mga gusto nila at maranasan ang hirap na mga naranasan mo? Kung ang sagot mo sa mga 'yan ay "HINDI", kaibigan, mas kailangan mong mag-invest.
![]() |
Photo Credit: www.google.com |
Pangatlo, Ayaw Mong Mag-Trabaho Habambuhay - Sino ba naman ang may gusto? Wala naman yata! Siguro meron, pero sila yung mga taong talagang mahal yung mga ginagawa nila o 'yung tinatawag na "Passion".
Gusto mo bang mag-trabaho kahit na uugod-ugod kana o matanda ka na? Gusto mo padin bang pumasok sa opisina kahit may sakit ka o hindi mo na kaya? 'Diba hindi naman? Ayaw mo man o hindi, darating at darating ang panahon na ikaw ay tatanda!
Pangapat , For Health and Sickness - Bakit madaming bata sa Pilipinas ang kulang sa sustansya? Hindi ba't dahil sa kulang sa pagkain o walang makain? Kaya't kung gusto mong makakain ng masusutansyang pagkain, kailangan mong bumili, kaya't kailangan mong mag-invest. Sa panahon ngayon, wala nang libre.
![]() |
Photo Credit: www.google.com |
Panglima, To Help More People - Kapag may taong nangangailangan, sinong may mas kapasidad na tumulong, ang may pera o wala? Ayaw man nating aminin, may mas maraming nagagawa ang may pera kumpara sa wala.
![]() |
Photo Credit: www.google.com |
Pero hindi mo naman kailangan ng madaming-madaming pera para makatulong, may pera ka man o wala, kakaunti man o madami pwedeng-pwede ka padin tumulong. Ang ibig ko lang sabihin, mas marami kang matutulungan o mas malaki ang kapasidad mo kung mas marami kang pera. Kasi, pa'no mo matutulungan ang ibang tao pagdating sa pera kung ikaw pala mismo ay kinakapos at walang ding pera?
PS - May mga natutunan ka ba sa mga nabasa mo? Share mo naman! dahil ang blessing, dapat isini-share yan! Tama ba? At kung meron ka namang naiisip na sa tingin mo ay ikagaganda pa ng nagawa kong akda, I'll be more than happy to hear that! So please send me a message so we can help more our fellow Filipinos!
PS - May mga natutunan ka ba sa mga nabasa mo? Share mo naman! dahil ang blessing, dapat isini-share yan! Tama ba? At kung meron ka namang naiisip na sa tingin mo ay ikagaganda pa ng nagawa kong akda, I'll be more than happy to hear that! So please send me a message so we can help more our fellow Filipinos!
No comments:
Post a Comment