Saturday, October 18, 2014

3 EFFECTIVE STEPS HOW TO MANAGE YOUR INCOME

Ngayon, pag-usapan natin ang tipikal na buhay ng isang Pilipino. Kapag dumating ang sahod, ano ang unang ginagawa? Sarap kaya kumain sa labas, sarap kaya mag-shopping, uminom ng alak kasama ang mga ka-trabaho, bumili ng bagong gadget at mga bagong damit. Sarap din kaya mag-unwind at lumayo sa mundo ng trabaho, eh kasama mo ba naman yung boss mo araw-araw at kung maka-utos ay kala mo kung sino, samahan mo pa ng mga ka-trabaho na araw-araw mong nakikita at araw-araw ding nakasimangot, sarap nu'n diba ? Haha :D

Masarap mag-enjoy, pero ang tanong, may ipon ba? Madalas kasi, ganito ang ginagawa natin,

“Kung ano ang natitira, yun nalang din ang itinatabi”

Pero ang tanong, may natitira ba? ‘diba kadalasan wala naman? Ang nangyayari kasi, mali ang strategy na ginagamit natin.

INCOME – EXPENSES = SAVINGS 

‘Pag dumating ang sahod, ang unang gagawin ay magbabayad kay meralco, magbabayad ng tubig, maggo-grocery at mag-aabot ng upa para sa bahay. Tapos, hindi ba’t mas masarap ang pumunta ng mall kapag bagong sahod? Dami kayang sale lalo na kapag katapusan! Ang hindi natin alam, marketing strategy naman yun ng mga businessmen para ma-tempt tayo na bumili ng mga produkto nila at para mapagastos tayo. Nandyan ang red tag na naka-50% discount, 70% discount at minsan meron pang malaking stand na nakalagay sa daanan ng madaming tao, 

If you buy 3, you GET the 4th item for FREE!


Kaya karamihan sa tipikal na Pinoy, milyonaryo sa araw ng sahod pero kawawa naman isang linggo makatapos ang sahod, wala ng panggastos at pati pamasahe, wala nadin! Kaya madami sa atin, walang ipon, walang investments at syempre, madaming utang hehe :)


3 EFFECTIVE STEPS HOW TO MANAGE YOUR INCOME

INCOME – TITHES – SAVINGS = EXPENSES

1. GIVE TITHE

Ibig sabihin, kapag dumating ang sahod o ang padala ni mister galing abroad. Ang unang gagawin ay magbalik ng 10% sa panginoon kung ikaw ay Christian. Sabi sa old testament, 
give 10% of your harvest go back to the lord. Sabi naman sa new testament,

        "Each one must give as he has decided in his heart, not reluctantly or under                                                        compulsion, for God loves a cheerful giver." 
                                                             2 Corinthians 9:7

Pero ang tanong, magkano nga ba dapat at ilang porsyento nga ba? Ang sagot,

“The more you give, the more you will receive.”

Kaya kung gusto mo ng mas madaming blessings, give more!

2. MANAGE YOUR EXPENSES

2nd, is to separate 20% of your income. Sabi din sa bible, separate the 1/5 of what you reap to prepare for the rainy days. Ilan ba yung 1/5? ‘Diba 20% yun?

Dito mo naman kukunin ang pagbuo ng Emergency Fund mo, it should be 3-6 months of your income, mas malaki, mas maganda. Para kung bigla kang mawalan ng trabaho, halimbawa nagsara yung pinagta-trabahuhan mo, o kaya naman bigla kayong nasalanta ng bagyo, biglang nasira yung sasakyan, biglang may nagsakasakit sa pamilya, eh di meron kang panggastos at meron kang madudukot.


After you build your emergency fund, pwede kana ding mag-start ng investment o ng gusto mong business. Yung pera na dapat ilalagay mo sa savings or emergency fund, yun na yung pera na gagamitin mo para magkaroon ka ng pang-puhunan.

3. MANAGE YOUR EXPENSES

At ang huli, manage your expenses and practice discipline. Ilang percent yung tithe, diba 10%? Ilang percent yung savings, diba 20%? Ngayon, yung natitirang 70%, dapat ay mapag-kasya mo sya sa pambayad ng ilaw, pambayad ng kuryente, upa sa bahay, shopping, pagkain sa labas, date sa jowa, pang-load sa cellphone ni jowa hehe :) , pambili ng gadget, pang out of town, lahat, lahat-lahat ng mga gastusin mo dapat mapag-kasya mo sa natitirang 70%. Mahirap ba? Oo naman, mahirapa talaga! Pero ‘wag kang mag-alala dahil sa umpisa lang ‘yan, pero lalo syang hihirap kung ayaw mo syang gawin at ayaw mong magbago.


Para mabawasan naman yung mga gastusin mo, pwede mong bawasan yung mga normal na binibili at pinag-kakagastusan mo. Halimbawa sa kape, kung dati nasa green logo ka kasi maganda yung ilaw, bumubula yung kape, malamig, may aircon at maganda yung ambience. Ngayon, yung kape nalang muna na nabibili sa tindahan ni Aleng Nena, haluin mo nalang ng haluin para bumula at wag mo lang lalagyan ng detergent powder para lang bumula (joke!), patayin mo nalang yung ilaw sa kusina at sala nyo para dumilim yung ilaw, dumikit ka muna sa ref na nakabukas at tumapat kana lang muna sa electric fan habang nagkakape, ewan ko lang kung hindi kapa lamigin nyan! Haha :D. Diba, ganun din naman, nakuha mo na yung reasons kung bakit dun ka nagkakape, nakatipid kana, magkakaron ka pa nang madaming ipon!

Kung madalas naman kayo kumain ni Honey sa labas at naka-candle light pa, ngayon para makatipid, kung kaya namang magluto sa bahay, bakit hindi diba? Nakatipid kana, nagkaron pa kayo ng bonding ni Honey sa kusina. Tapos pag luto na, eh di magtirik nalang din kayo ng kandila at magpatugtog ng mga theme songs nyo gamit ang dvd player, sweet padin naman sya diba? Diba pwede naman yun? Pwedeng cheap na kung cheap pero hindi bat gagawin nyo naman sya para mabayaran yung mga utang nyo kung meron man, para magkaroon ng educational plan sa mga bata at para din magkaroon ng pampuhunan sa business na gusto nyong itayo. Para 'pag nakaluwag-luwag na at malaki na ang kinikita ng business nyo o meron ng malaking ipon, pwede na kayong mag-dinner ulit, hindi lang sa candle light, hindi lang sa Pilipinas,  kundi pwede pa sa 5 star hotel at sa ibang bansa, at pwede pa kayong mag-bakasyon kasama ang buong pamilya! Hindi ba’t mas maganda yun?

Kaya ngayon, tiis-tiis muna. Meron namang mas magandang reward na naghihintay sa inyo para sa mga sakripisyong gagawin nyo ngayon. Hindi lang para sa inyo, kundi para din sa mga taong mahal nyo, para sa mga magulang mo, mga kapatid mo, mga kabarkado mo, mga katrabaho mo, at kung gusto mo, sama mo nadin pati yung mga kaaway mo! hehe :)



Ngayon ang tanong, handa ka bang mag-sakripisyo? Handa kabang magbago para sa mas ikabubuti? Handa ka bang mag-adjust para mabago ang buhay mo at ng magiging pamilya mo? Handa ka bang magtiis para makuha mo yung mga bagay na gusto mo? At handa ka bang gumawa ng aksiyon para matupad ang lahat ng mga pangarap mo? Dahil kung anong meron ka ngayon, siguradong yan padin ang meron ka kung wala kading gagawin na bago. Ang tanong,

GUSTO MO BA AT HANDA KA BA???

Sa tingin mo ba'y natulungan ka ng article na ginawa ko? Deserving din ba sya na mabasa at malaman ng ibang tao? I-share mo na! Natuto kana, nakatulong ka pa! Pwede mong i-click ang share button na nasa ibaba. Maraming salamat at nawa'y matupad ang lahat ng pangarap natin! :)

1 comment:

  1. Ako Mrs Junaina, personal na nagpapahiram utang. nag-aalok kami mga pautang sa isang interes rate ng 2% sa bawat taon ng 100,000,000,00 EUR. Aling 500,000,000,00.in sa pera kailangan mo ng pautang sa. Sa pamamagitan ng 100% ng proyekto financing secured at hindi secure na mga pautang magagamit. kami ay garantisadong upang magkaloob ng mga serbisyo sa pananalapi sa marami sa aming mga kliyente sa buong mundo. Sa pamamagitan ng isang pakete ng mga pautang, ang utang maasikaso at mga pondo ay inililipat sa borrower sa lalong madaling panahon. nagpapatakbo kami sa malinaw at madaling Kinakailangan sa upang maunawaan at nag-aalok ng pautang sa isa sa aming mga customer na Applied, kumpanya, korporasyon, at lahat ng uri ng negosyo organisasyon, pribadong indibidwal at mga namumuhunan sa Real Estate. makipag-ugnay sa amin sa e-mail ang sa amin: diamondfinanceinsurancecompany@gmail.com para sa higit pang mga detalye sa kung paano makakuha ng pautang ikaw ay ok
    Mrs junaina

    ReplyDelete