Ngayon, pag-usapan natin ang tipikal na buhay ng isang
Pilipino. Kapag dumating ang sahod, ano ang unang ginagawa? Sarap kaya kumain
sa labas, sarap kaya mag-shopping, uminom ng alak kasama ang mga ka-trabaho, bumili
ng bagong gadget at mga bagong damit. Sarap din kaya mag-unwind at lumayo sa
mundo ng trabaho, eh kasama mo ba naman yung boss mo araw-araw at kung
maka-utos ay kala mo kung sino, samahan mo pa ng mga ka-trabaho na araw-araw
mong nakikita at araw-araw ding nakasimangot, sarap nu'n diba ? Haha :D
Masarap mag-enjoy, pero ang tanong, may ipon ba? Madalas
kasi, ganito ang ginagawa natin,
“Kung ano ang natitira, yun nalang din ang itinatabi”
Pero ang tanong, may natitira ba? ‘diba kadalasan wala
naman? Ang nangyayari kasi, mali ang strategy na ginagamit natin.
INCOME – EXPENSES = SAVINGS
‘Pag dumating ang sahod, ang unang gagawin ay magbabayad kay
meralco, magbabayad ng tubig, maggo-grocery at mag-aabot ng upa para sa bahay. Tapos, hindi
ba’t mas masarap ang pumunta ng mall kapag bagong sahod? Dami kayang sale lalo na
kapag katapusan! Ang hindi natin alam, marketing strategy naman yun ng mga businessmen para ma-tempt tayo na bumili ng mga
produkto nila at para mapagastos tayo. Nandyan ang red tag na naka-50% discount,
70% discount at minsan meron pang malaking stand na nakalagay sa daanan ng
madaming tao,
If you buy 3, you GET the 4th item for FREE!
Kaya karamihan sa tipikal na Pinoy, milyonaryo sa araw ng sahod pero kawawa naman isang linggo makatapos ang sahod, wala ng panggastos at pati pamasahe, wala nadin! Kaya madami sa atin, walang ipon, walang
investments at syempre, madaming utang hehe :)
3 EFFECTIVE STEPS HOW TO MANAGE YOUR INCOME
INCOME – TITHES – SAVINGS = EXPENSES
1. GIVE TITHE
Ibig sabihin, kapag dumating ang sahod o ang padala ni
mister galing abroad. Ang unang gagawin ay magbalik ng 10% sa
panginoon kung ikaw ay Christian. Sabi sa old testament,
give 10% of your harvest go back to the lord. Sabi naman sa new testament,
"Each one must give as he has decided in his heart, not reluctantly or under compulsion, for God loves a cheerful giver."
2 Corinthians 9:7
Pero ang tanong, magkano nga ba dapat at ilang porsyento nga ba? Ang sagot,
“The more you give, the more you will receive.”
Kaya kung gusto mo ng mas madaming blessings, give more!
2. MANAGE YOUR EXPENSES
2nd, is to separate 20% of your income. Sabi din sa bible,
separate the 1/5 of what you reap to prepare for the rainy days. Ilan ba yung
1/5? ‘Diba 20% yun?
Dito mo naman kukunin ang pagbuo ng Emergency Fund mo, it
should be 3-6 months of your income, mas malaki, mas maganda. Para kung bigla
kang mawalan ng trabaho, halimbawa nagsara yung pinagta-trabahuhan mo, o kaya
naman bigla kayong nasalanta ng bagyo, biglang nasira yung sasakyan, biglang
may nagsakasakit sa pamilya, eh di meron kang panggastos at meron kang
madudukot.
After you build your emergency fund, pwede kana ding
mag-start ng investment o ng gusto mong business. Yung pera na dapat ilalagay
mo sa savings or emergency fund, yun na yung pera na gagamitin mo para magkaroon
ka ng pang-puhunan.
3. MANAGE YOUR EXPENSES
At ang huli, manage your expenses and practice discipline. Ilang
percent yung tithe, diba 10%? Ilang percent yung savings, diba 20%? Ngayon,
yung natitirang 70%, dapat ay mapag-kasya mo sya sa pambayad ng ilaw, pambayad
ng kuryente, upa sa bahay, shopping, pagkain sa labas, date sa jowa, pang-load
sa cellphone ni jowa hehe :) , pambili ng gadget, pang out of town, lahat, lahat-lahat
ng mga gastusin mo dapat mapag-kasya mo sa natitirang 70%. Mahirap ba? Oo naman, mahirapa
talaga! Pero ‘wag kang mag-alala dahil sa umpisa lang ‘yan, pero lalo syang hihirap
kung ayaw mo syang gawin at ayaw mong magbago.
Para mabawasan naman yung mga gastusin mo, pwede mong
bawasan yung mga normal na binibili at pinag-kakagastusan mo. Halimbawa sa
kape, kung dati nasa green logo ka kasi maganda yung ilaw, bumubula yung kape,
malamig, may aircon at maganda yung ambience. Ngayon, yung kape nalang muna na
nabibili sa tindahan ni Aleng Nena, haluin mo nalang ng haluin para bumula at
wag mo lang lalagyan ng detergent powder para lang bumula (joke!), patayin mo nalang yung ilaw
sa kusina at sala nyo para dumilim yung ilaw, dumikit ka muna sa ref na nakabukas at tumapat kana lang muna sa
electric fan habang nagkakape, ewan ko lang kung hindi kapa lamigin nyan! Haha
:D. Diba, ganun din naman, nakuha mo na yung reasons kung bakit dun ka nagkakape, nakatipid kana, magkakaron ka pa nang madaming ipon!
Kung madalas naman kayo kumain ni Honey sa labas at
naka-candle light pa, ngayon para makatipid, kung kaya namang magluto sa bahay,
bakit hindi diba? Nakatipid kana, nagkaron pa kayo ng bonding ni Honey sa
kusina. Tapos pag luto na, eh di magtirik nalang din kayo ng kandila at magpatugtog
ng mga theme songs nyo gamit ang dvd player, sweet padin naman sya diba? Diba pwede naman yun? Pwedeng
cheap na kung cheap pero hindi bat gagawin nyo naman sya para mabayaran yung
mga utang nyo kung meron man, para magkaroon ng educational plan sa mga bata at
para din magkaroon ng pampuhunan sa business na gusto nyong itayo. Para 'pag
nakaluwag-luwag na at malaki na ang kinikita ng business nyo o meron ng malaking ipon, pwede na kayong
mag-dinner ulit, hindi lang sa candle light, hindi lang sa Pilipinas, kundi pwede pa sa 5 star hotel at sa ibang
bansa, at pwede pa kayong mag-bakasyon kasama ang buong pamilya! Hindi ba’t mas
maganda yun?
Kaya ngayon, tiis-tiis muna. Meron namang mas magandang reward
na naghihintay sa inyo para sa mga sakripisyong gagawin nyo ngayon. Hindi lang para sa
inyo, kundi para din sa mga taong mahal nyo, para sa mga magulang mo, mga
kapatid mo, mga kabarkado mo, mga katrabaho mo, at kung gusto mo, sama mo nadin
pati yung mga kaaway mo! hehe :)
Ngayon ang tanong, handa ka bang mag-sakripisyo? Handa
kabang magbago para sa mas ikabubuti? Handa ka bang mag-adjust para mabago ang
buhay mo at ng magiging pamilya mo? Handa ka bang magtiis para makuha mo yung
mga bagay na gusto mo? At handa ka bang gumawa ng aksiyon para matupad ang
lahat ng mga pangarap mo? Dahil kung anong meron ka ngayon, siguradong yan
padin ang meron ka kung wala kading gagawin na bago. Ang tanong,
GUSTO MO BA AT HANDA KA BA???
Sa tingin mo ba'y natulungan ka ng article na ginawa ko? Deserving din ba sya na mabasa at malaman ng ibang tao? I-share mo na! Natuto kana, nakatulong ka pa! Pwede mong i-click ang share button na nasa ibaba. Maraming salamat at nawa'y matupad ang lahat ng pangarap natin! :)