Sunday, March 12, 2017

ILANG HAKBANG PARA MAKABAYAD SA PAGKAKA-UTANG

1. Stop Creating More Debt - Sabi nga nila, kung alam mo raw na nasa hukay kana at ayaw mo nang bumaon pa, ang pinaka-una mo daw na gagawin ay tigilan ang paghuhukay. Parang ganun din sa pagma-manage ng utang, pinaka-una mong dapat gawin ay ang tumigil sa pangungutang.

2. Know the Difference Between Good Debt and Bad Debt - Meron dalawang uri ng utang, ang Good Debt at ang Bad Debt. At napaka-importante na malaman mo ang pinagkaiba ng dalawa. 'Eto, bigyan kita ng ilang halimbawa;

Good Debt - Home Loan, Car loan for business purposes, Educational Plan and Setting up a business or good investment.
Bad Debt - Kotseng pamorma, mamahaling mga damit na hindi naman kaya, misused of credit cards,pagkain sa mga mamahaling restaurant  at expensive travel.





3. Increase Your Income - Syempre, mas maganda din kung madadagdagan ang pagpasok ng pera. Pwede kang maghanap ng extrang pagkakakitaan or part-time business. Pwede kang magtayo ng maliit na sari-sari store, pwede kadin maging isang distributor sa isang kompanya tulad ng Avon, Boardwalk o kung gusto mo, pwede kadin maghanap ng isang networking company, but make sure, it's legal and not a scam or pyramiding.
4. Talk to your Card Company - Pwedeng-pwede mong kausapin ang iyong card company o yung bangko na pinagkaka-utangan mo. May mga bangko na bibabaan nila ang interest na binigay sa utang mo at meron din naman mga bangko na tinatanggal lahat ang interest sa inutang mo basta magbibigay kalang ng deadline na talagang mababayaran mo ang lahat ng utang mo sa kanila. Sa ganitong strategy, magkakaroon kayo ng agreement between you and the bank.

5. Ask Help for a Financial Expert - Kung manghihingi ka ng advice, mas maigi kung sa mas nakakaalam. Sabi nga nila 'diba, kung may sakit ka daw na nararamdaman, kanino ka lalapit, sa doktor o sa taxi driver? Syempre sa doktor kasi siya yung mas nakakaalam. Eh kung may sira naman yung sasakyan mo, kanino ka lalapit, sa doktor ba o sa mekaniko? Syempre, du'n ka sa mekaniko na mas nakakaalam. Parang ganu'n din pagdating sa finanes kaibigan, mas maigi kung magtatanong ka mas nakakaalam tulad ng mga financial planner or financial advisor. Merong mga financila planner na nanghihingi ng bayad o naniningil at meron din namang mga financial planner na naga-advice ng libre.



6. Know the Reasons Why you have Debt - Bakit ka nga ba may utang? Saan mo ba ginamit? Pinambili ng gadget? Pinang-swimming sa Bora? Pinang-travel sa Palawan? Pinang-binyag ng pang-siyam mo na anak? Ginamit sa gradution o sa piyestahan? O baka naman pinag-date lang kay jowa?

Maigi na malaman mo kung saan mo ginamit ang pinangutang mo. Para sa susunod, pwede mo na siyang maiwasan at hindi mo na mauulit. Kumbaga, know your mistakes and learn from it.



7. Change Bad Spending Habits - Maigi din kung maba-budget mo na ng maayos ang pera mo. Nitong nakaraan, meron akong ginawang isang article kung saan pwede mong malaman kung dapat mo ba talagang bilihin ang isang bagay o hindi. Diniscuss ko du'n ang Tatlong Mahiwang Tanong bago ka mag-desisyon na gumastos o maglabas ng pera. Pwede mong i-click ang link na ito.


8. Paying Plan - Syempre, kahit na anong bagay naman na gusto mong gawin ay magsisimula sa plano. Kung ayaw mo naman talagang bayaran ang lahat ng pagkaka-utang mo, kahit gaano pa kalaki ang kitain mo at kahit abutin pa tayo sa sementeryo ay hinding-hindi mo yan mababayaran .Pero kung gusto mo naman talagang mabayaran ang lahat ng utang mo, mababayaran at mababayaran mo yan kahit na gaano pa yan kalaki basta't magsi-set kalang ng maganda at epektibong plano.


Hindi mo naman kailangan na bayaran sila ng biglaan o isang bagsakan dahil sigurado ay mahihirapan ka. Pwede mo silang bayaran ng paunti-unti. Pwede mo silang kausapin na kada sahod mo ay mag-aabot ka ng ganitong amount, para pagdating ng ganitong date ay mababayaran mo na sila ng buo.

Sabi nga nila, lahat daw ng tao ay pagkakautang. It's either utang na loob, utang na buhay o utang na pera. Payong kaibigan, sana ay 'wag nating kalimutan ang lahat ng pinagkaka-utangan natin, dahil kung hindi mo nakakaligtaan, sila ay may malaking naitulong sa ating nu'ng tayo ay nangangailangan. Sila ay nagsakripisyo para tayo ay matulungan, at sana naman, ating naisin na sila ay mabayaran.




Thursday, February 9, 2017

TATLONG MAHIWAGANG TANONG

Ang haba naman ng pila sa ATM...
Ano kayang meron?
Ahhh...Oo nga pala, a-trenta pala ngayon.
Sahuran na naman.
Suweldo na naman...
Saan kaya masarap gumastos?
Ano kaya ang magandang bilhin ngayon?
Saan kaya magandang pumunta?
Ano kayang masarap kainin?
Saan kaya masarap makipag-date?

Ilan yan sa normal na nangyayari at ilang mga tanong tuwing kinsenas-katapusan. Naa-alala ko samin, tuwing araw ng sahuran, hay naku, napakahaba ng pila sa ATM!  Minsan natatanong ko, bakit nga ba ang haba-haba? Bakit nga ba sabay-sabay sila kung mag-withdraw ng pera? Hindi ba pwedeng yung iba ay bukas at yung iba naman ay sa mga susunod na araw? Excited ba silang kumuha ng sahod? Bakit nga ba ganun?

Hanggang isang araw, may isa akong ka-trabaho, lumapit sya sakin ilang araw bago ang sahod. Ganito yung naging pag-uusap namin, 

"Uy pre, may extra ka ba diyan?"

Tanong niya sakin,

"Sakto lang pre, bakit ba?"

Sagot ko sa kanya,

"Pamasahe ko lang kasi sana pauwi eh!"

Sagot niya,

"Oh, bakit nawalan ka ba ng pera?"

Tanong ko ng medyo nagulat at ng may pagtataka,

"Hindi pre, nagastos ko kasi eh, nag-date kami ni Babe"

Sagot niya na para bang medyo nahihiya,

"Ahhh...sa mamahaling restaurant na naman kayo kumain 'no at bumili na naman kayo ng kung anu-ano 'no?

Sagot ko ng may pagka-sigurado,

"Oo"

Sagot nya ulit sa mahinang boses,

"Ahhh...Kaya pala...Sabi ko na eh!"

Ang ganitong pangyayari, normal 'to sa iibang empleyado. At may mga pagkakataon din dati na nangungutang ako sa mga ka-trabaho ko, kaibigan ko, kapatid ko, nanay ko, at kahit pati sa girlfriend ko, hiya na 'kong hiya, ang mahalaga ay wala akong ginagawang masama. Anong magagawa ko, eh kapos talaga eh, eh kaysa naman sa magnakaw, eh di mangungutang nalang ako. Ganyan ang prinsipyo ko dati, utang o nakaw? Syempre utang nalang... hehe :)

Tuwing darating kasi ang sahod, hindi ko mapigilan ang bumili ng aking luho---mga damit. Bawat tao ay may bisyo; bisyo sa alak-sigarilyo, bisyo sa pagbabasa ng libro, bisyo sa pagtitipid, bisyo sa paggastos, bisyong tumulong, bisyong gumawa ng masama, bisyong magtrabaho, bisyong mag-aral at kung anu-ano pang mga bisyo. Pero sa akin, kung damit ang pag-uusapan, ubos kung ubos hanggat may nakikita akong maganda at feeling ko ay ikaga-gwapo ko, syempre bibilhin ko hehe :)

Tapos minsan, ilang araw pakatapos bumili. Minsan parang nagsisisi ako, yung iba hindi ko naman pala magagamit, binili ko sya kasi naka-sale lang. Bumibili pa ako dati ng mga damit na pan-lamig, sabi ko magagamit ko 'to balang araw pag pumunta ako sa ibang bansa, pero hanggang ngayon, ayon nakasiksik padin sa aparador ko. Meron ding mga pagkakataon na napapabili ako kasi napasubo lang, yung tipong kasama mo yung mga ka-trabaho, kaklase o kaibigan mo, kung ano yung bibilhin nila ay bibilhin mo nadin. 

Hanggang one time, meron akong isang kaibigan, tinuruan nya ako ng isang effective na strategy kung paano nga ba ang tamang paghawak ng pera. At ngayon, iyon din ang isi-share ko sa inyo.

TATLONG MAHIWAGANG TANONG:

1. GUSTO MO BA?

Gusto mo ba talaga?

Baka naman napa-subo ka lang?
Baka naman nahihiya ka lang?

May mga pagkakataon kasi na napapa-bili tayo ng mga bagay na hindi naman talaga natin gusto. Madalas mangyari 'to sa mga pagkakataon na kasama mo yung mga ka-trabaho mo, kaklase o kaya naman ay nahiya ka lang sa sales lady dahil sa galing nyang magbenta. O kaya naman yung tipong tanong ka ng tanong sa saleslady pero sa huli wala ka naman pala magugustuhan, kaya bumili ka nalang para hindi naman nakakahiya, dati madalas mangyari  'to sakin  hehe :).

Halimbawa ay nag-shopping kayo, kasama mo yung mga kaklase mo, katrabaho o mga kaibigan. Kung ikaw yung tipo ng taong medyo mahina ang loob, kapag na-pressure ka ng mga kasama mo, tulad nito;

"Sige bagay sayo yan"
"Sige bilhin mo na"
"Minsan lang tayo lumabas eh!"
"Gumastos ka na mura lang naman eh!"
"K.J naman neto"
"Kapag bumili ako, bibili kadin ah!"
"Bili tayo ng magkaiba tapos hiraman nalang tayo ah!"

Ilan yan sa mga madalas na marinig ko tuwing lalabas kami dati lalung-lalo na sa mga babae kong kasama 'yung "Bili tayo ng magkaiba tapos hiraman nalang tayo ah!" . Kaya ngayon, bago bumili ng isang bagay, tanungin mo lagi yung sarili mo kung gusto mo ba talaga. Wala namang masamang tumanggi, explain mo lang sa kanila na ayaw mo o hindi yun ang taste mo, sigurado maiintindihan ka rin nila.

2. KAILANGAN MO BA?

Kailangan mo ba talaga?
Baka naman gusto mo lang?

Madami kasing mga pagkakataon na napapabili tayo ng mga bagay na hindi naman talaga natin kailangan. Kahit gusto lang natin, kinu-kumbinse natin yung sarili natin na ,

"Hindi kailangan ko to, wala na akong ganito eh, luma na yung ganito ko, pangit na tingnan".

Kahit na ang totoo, meron ka pa nu'n, kakabili mo pa lang, at yung ganun mo nga ay ilang beses mo pa lang na nagagamit. 

Madalas mangyari ang mga ganyang pagkakataon sa mga damit, sapatos at cellphone.

Halimbawa sa cellphone, may bagong labas na i-phone. Sasabihin mo agad sa sarili mo 

" Ay naku may bago, kailangan ko yung mga bagong specs nun, kailangan ko ng mas mataas na memory, mas magandang camera at mas bagong OS"



Pero ang totoo, yung memory na gamit mo ay hindi pa nga puno, yung camera mo ay puro pang-selfie lang naman at yung OS na gamit mo ay pang pa-flappy bird at candy crush lang naman. Ang totoo, gusto mo lang na may mai-pagyabang ka sa mga kaklase at mga katrabaho mo. Feeling mo kasi, pag may bago, astig ka, pag ikaw lang ang meron ay sikat ka!

Oo, sabihin na natin may bago kang gadget, pero bukas ba at sa mga susunod na araw ay meron ka pang budget? Oo meron ka ngang bagong cellphone na labas, pero baka naman ang iyong bulsa ngayon ay butas?

Kaya ngayon, bago bumili ng kahit na ano, tanungin mo ng ilang beses ang iyong sarili kung kailangan mo ba talaga. Kung ang sagot ay hindi, isipin mo muna yung mga bagay na dapat na pagka-gastusan. Kung ang sagot mo naman ay hindi pa malinaw kung kailngan mo ba talaga o hindi, mas maigi na palipasin mo muna ang isa o dalawang araw at muli mo itong pag-isipan. Baka mamaya bill nyo sa tubig at kuryente ay hindi pa pala bayad, baka pati mamaya yung tuition mo din pala sa school ay hindi padin pala fully paid.

3. KAYA MO BA?

May pera ka ba?
Baka naman wala?
Baka naman ipangungutang lang?

Baka naman mamaya, pati luho mo ay pinangungutang pa! Kung wala din namang pera, magtiis na muna. Ang gawin mo sa ngayon, gawa ka muna ng paraan para madagdagan ang kinikita o mabawasan ang ginagastos. Para sa susunod, pwede mo syang balikan at mabibili mo na sya.

Mahalaga din na malaman natin na merong dalawang uri ng utang, ang Good Debt at Bad Debt.

Bad Debt - Kadalasan ito yung mangungutang ka para sa mga bagay na gusto mo at hindi naman talaga kailangan. Tulad ng kotseng pamorma, gadget na pang-yabang, damit na pang-social-climber at mga bagay-bagay na walang balik o hindi lalago ang pera.

Good Debt -  Ito naman yung mangungutang ka para mas lumago ang pera at para sa ika-gaganda ng kinabukasan. Halimbawa ay para sa educational plan ng mga bata, loan para sa business, o kotse for business appointments.

Ngayon, bago bumili ay siguraduhin na ito ay Good Debt at hindi Bad Debt. Wala namang masama na bumili ng mga luho kung ito ang magpapasaya sa'yo bastat siguraduhin lang na walang ibang maaapektuhan at ito ay hindi makakasama.

Kaya ngayon, kapag dumating ang sahod o dumating ang allowance, mahalaga na itanong na muna natin ang Tatlong Mahiwagang Tanong. Para naman bukas, ang iyong bulsa ay hindi mabubutas, at para kapag may dumating na sakuna, ikaw naman ay hindi mangangapa sapagkat ikaw ay nakapag-handa. 

Meron ka bang natutunan sa article na ginawa ko? At sa tingin mo ba ay dapat din itong mabasa ng iba? Kung ganun, i-share mo na, natuto ka na, nakatulong ka pa!


Friday, November 14, 2014

LIFE IS A CHOICE

Minsan, meron dalawang itlog, nag-uusap sila kung ano ang gusto nila kapag napisa na sila.

Ang sabi ng unang itlog,

"Ako gusto ko maging isang oyster kapag napisa na ako. Kasi ang isang oyster, nasa dagat lang siya at hindi kailangan na gumawa ng kahit na anong desisyon. Hindi ko nadin kailangan maghanap ng pagkain, kapag nagugutom ako ay ibubuka ko lang ang bibig ko, andyan naman ang yaman ng dagat na magbibigay ng pagkain sakin. Kapag dinala ako ng Haring Dagat sa gitna ay papayag ako, at kung ako naman ay dadalhin nya sa pampang, ako naman ay hindi tatanggi. Ano man ang kanyang maging desisyon, sasang-ayon ako at susunod. Kung ako man ay mahuli ng mga mangigisda, ok lang din sakin, yun naman ang kapalaran ko eh, tatanggapin ko nalang."


Photo from www.google.com
Nagpatuloy ang unang itlog,

"Ganyan ang buhay para sa akin, hindi ko na kailangan mag-plano at hindi ko nadin iisipin ang para sa kinabukasan. Hindi ko nadin kailangan mag-desisyon dahil ginagawa ko at sinasabayan ko lang anuman ang maging agos ng dagat. Ganyan ang buhay para sa akin, walang kahirap-hirap at walang responsibilidad."

Nagsalita ang pangalawang itlog,

"Hindi yan ang buhay para sa akin. Gusto ko maging isang agila, malaya, nakakalipad at napupuntahan ko ang mga lugar na gusto ko. Kahit malakas ang bagyo at mainit ang tirik ng araw, handa akong harapin ang lahat ng yan makalipad lamang ako ng malaya. Sabihin na natin na madami akong responsibilidad. Sa paghahanap ng pagkain, kapag ako ay gutom, kailangan ko muna maghirap para makahanap ng pagkain. Sa araw-araw na buhay, madami akong ka-kompetinsya, mula pagka-pisa ko ay marami ng nagtatangka na ako ay mahuli at ako ay maging pagkain. Pero kapalit naman ng lahat ng  iyon ay magagawa ko ang mga bagay na gusto ko ng walang nag-uutos sa akin."


Photo ftom www.google.com
Nagpatuloy ang pangalawang itlog,

"Ang isang agila, hawak niya ang buhay nya. Imbis na sumabay sa agos ng buhay, ayaw kong limitahan ang sarili ko. Gagawin ko kung ano ang gusto ko at gagawa ako ng paraan para hindi ako maging sunud-sunuran kahit kaninuman. Ako ang magde-desisyon para sa sarili ko at ako mismo ang gagawa ng kapalaran ko."


- END OF STORY-




Ngayon kaibigan, anong gusto mo? Ang maging isang oyster? O ang maging isang agila?
Ang maging sunud-sunuran sa agos ng buhay? O ang maging isang malaya pero punong-puno ng pagsubok sa buhay? Ang manatili sa kasalukuyang kalagayan? O ang maglakbay sa mga lugar na gusto mo pero ikaw'y mahihirapan?



Tandaan mo kaibigan, ikaw ang magde-desisyon para sa sarili mo. Hwag mong iasa sa desisyon at gagawin ng ibang tao, buhay mo yan at hindi buhay nila. 

Alam mo ba na base sa isang survey ng Social Security sa Amerika nitong nakaraang June 04, taong kasalukuyan. Nag-interview sila ng 903 na matatanda, 50 years old pataas. Ito yung resulta:

- 38% regret for their retirement plans.
- 33% expected that when they retire, their primary source of income is Social Security benefits.

- 69% of their SS benefits went to health problems.
- 86% say they can't afford their health problems.

Base naman sa Social Security Service Statistic Population Sampling noong 1995 sa status ng mga Pilipino kapag umabot sa edad na 65 pataas. Ito naman yung resulta:

- 45% are dependent on relatives.
- 30% are dependent on charity.
- 23% are still working.
- 2% are financially independent.



Ngayon, ang tanong, saan mo gusto makasama kapag ikaw ay tumanda na? Gusto mo ba sa 45%, 30%, 23% o sa 2%. Ang sagot dyan ay naka-depende sa mga bagay na ginagawa mo ngayon. Kaya kaibigan, mas maigi na tayo ay magplano ng maaga, para ating maranasan ang kinabukasan na ating ina-asam.



Thursday, October 30, 2014

FINANCIAL TIPS AN EMPLOYEE SHOULD CONSIDER PART 2-2

6. SET A REASONABLE BUDGET

Tipikal sa buhay ng isang empleyao ang kinsenas-katapusan. Pagdating ng sahod, bili dito, bili doon, shopping dito, shopping doon, punta dito, punta doon. Kaya naman makalipas ang ilang araw, pakatapos ng isang linggo, utang dito, utang doon, hiram dito, hiram doon,at lapit dito, lapit doon. Kaya naman napakarami sa ating mga empleyado ang laging kapos at walang ipon.



Kaya ngayon, I challenge you to set a reasonable budget. Dahil kahit dumating pa ang ilang taon, kahit ma-promote ka pa ng ilang beses, wala pa ding mangyayari sa pinaghirapan mo, dahil karamihan sa atin, habang lumalaki ang kita, ay lumalaki din ang gastos.

7. PUT SAVINGS

Paano kung bigla kang magkaroon ng emergency? Saan ka kukuha ng pera? Naku, uutang ka na naman? Hindi ka pa ba nagsa-sawa na lumapit kay kumare at kumpare, mahiya ka naman! (joke! :) )

Hindi ka padin ba nagsasawa na magbayad ng interest ng mga utang mo? Ganyan nalang ba lagi? Hanggang dyan lang ba ang kaya mo? Naniniwala ako sayo, higit pa dyan ang kaya mong gawin kaibigan. Dahil lahat tayo, may kakayahan na hwag magkaroon ng utang at umasenso sa buhay.


Kaya ngayon kaibigan, hanggat maaari, pilitin na magtabi ng ilang porsyento ng ating inaani, ng tayo ay hindi mayari kung ang sakuna ay mangyari.

8. HAVE INSURANCE

Eh paano naman kapag bigla kang nagkasakit at nagkataon din na natanggal ka sa trabaho? Saan ka kukuha ng pambayad sa ospital? Uutang ka na naman? Anak naman talaga ng utang oh! haha :D

O kaya ganito, paano 'pag matanda ka na at hindi mo na kayang magtrabaho? Gusto mo ba na umasa lang sa pension ng gobyerno? Alam mo ba na base sa Social Security Service Survey, 2% lang ng mga Pilipino ang financially independent when they hit the age of 65?


Kaya ngayon, hanggat kaya, hanggat maaga, hanggat kaya ng katawan at habang malakas pa, isama sa plano ang pagkakaroon ng insurance. Dahil ang totoo, you cannot buy insurance the time that you need it, you can only buy it when you don't need it.

9. CONSIDER HAVING A BUSINESS/MULTIPLE INCOME

Ilang source of income ang gusto mo? Isa o dalawa? Dalawa o tatlo? Hindi ba't mas madami ay mas maganda?


Worked Income - Ito yung pera na makukuha mo sa pagta-trabaho. Ito yung kinikita ng mga empleyado; call center agent, service crew, sales lady, cashier, security guard, supervisor o manager. Sa ganitong paraan ng pagkita, you have to be present at work, kasi dito, no-work no-pay. Ibig sabihin, isa sa mga disadvantages nya ay pag nagkasakit ka, wala ka ng kita, gagastos ka pa sa gamot. Kung gusto mong magpa-yaman, itong uri ng income ang pinaka-mahirap. Dahil sa lahat ng uri ng income, ito ang may pinaka-mataas na kaltas ng tax.

Portfolio Income - Ito naman yung tinatawag na paper assets tulad ng stocks, bonds at mutual funds. Karamihan sa atin walang ideya o hindi alam kung paano nga ba magkakaroon ng ganitong uri ng investments. Sa katunayan, alam mo ba na pwede kang magsimula sa ganitong uri ng investment sa halagang 5,000 pesos lang? Oo, pwede kang magsimula. Pero advice ko sa'yo, kumonsulta ka muna sa isang eksperto, magbasa ng mga libro at umattend ng seminars para naman hindi masayang ang ii-invest mo. Dahil sa dami ng nagkalat na scam ngayon, baka mabiktima kalang. Ang pinaka-sandata mo ay ang tamang edukasyon. Kaya maglaan ng oras at panahon, aral muna bago invest.


Passive Income - Halimbawa ay nagtayo ka ng isang computer shop, nag-hire ka ng technician at ng magbabantay. Habang ikaw naman, abala sa iba mo pang business, sa pamilya, pagba-bakasyon o sa personal na buhay. Sa ganitong paraan ng pagkita, you don't need to be present at your business for you to have the income. Habang wala ka sa business mo o kahit natutulog ka, kumikita ka padin kasi may binayaran kang ibang tao para magtrabaho para sa'yo.

Pwede din halimbawa, bumili ka ng isang lupa at nagpatayo ka ng bahay na paupahan. Buwan-buwan ay may pumapasok na pera sayo kahit na hindi ka nagta-trabaho. Ibig sabihin, hindi mo na kailangan na pumasok at mag-file ng leave kung meron ka man na dapat asikasuhin o may mga okasyon ka na dapat puntahan.

Ngayon, tanungin kita, ano mas maganda, one source of income or having multiple source of income? 

Maaaring nagustuhan mo ang passive income pero paalala lang kaibigan, hindi basta-basta ang pagtatayo ng isang business. Kailangan ay alam mo ang papasukin mo at dapat ay meron kang sapat na kaalaman sa negosyo na gusto mong itayo. Dahil kapag basta-basta ka lang nagtayo, malaki ang posibilidad na malugi ka. Based on statistics, 90% of businesses failed after 10 years and after another 10 years, 90% of the remaining failed again.

Kaya bago tuluyang pumasok sa isang negosyo, magbasa, magresearch, magtanong sa mga eksperto at pagisipan ng madaming beses kung anong itatayo. Dahil kapag basta ka lang nagtayo, eh para kang nagtayo ng isang bahay sa buhanginan na kapag dumating ang alon ay bigla-bigla lang na masisira. Kapag ikaw naman ay nagtayo ng bahay sa bato, dumating man ang malakas na ulan at bagyo, kaya nyang pagdaanan ang lahat ng iyon dahil matibay ang kanyang pundasyon. 




Nagustuhan mo ba ang mga isinulat ko? Sa tingin mo ba'y may matutulunagan ka kapag nabasa din ito ng iba? Pwede mong i-share ang article na ito para mabasa din nila! Just click the share button below!

Thursday, October 23, 2014

FINANCIAL TIPS AN EMPLOYEE SHOULD CONSIDER PART 1-2



Sabi nga, hindi naman p'wede na lahat ng tao ay maging negosyante at maging businessman. Our community needs policemen, lawyer, scientist, archeologist, astronomer, traffic enforcer, fire fighter, teacher, doctor, call center agent, service crew, sales lady, jeepnney driver, bus driver, konduktor, tindera sa palengke, magla-lako ng isda, magla-lako ng taho, flight attendant, piloto at kung anu-ano pa, in short, we need employees. Dahil kapag ang lahat ng tao ay nasa business, sino na lang ang ating mga magiging kostumer at konsumer, eh di wala na! Kaya naman may mga taong para sa business, para maging self-employed, at may mga tao naman na para sa employment.


Pero kung sa kasalukuyan na ikaw ay nasa corporate world, ngayon, bibigyan kita ng ilang tips na dapat ikonsidera mo.

1. BALANCE YOUR WORK & LIFE

Merong mga trabaho na halos hindi nauubusan ng mga gagawin, pero ang kompanya, ayaw naman magdagdag ng empleyado. Kung nasa ganito kang kompanya, you can take advantage to have an overtime. Malaking bagay din yun, sabihin na natin na nakakapag-overtime ka ng 2-3 hrs a day, malaking halaga nadin yun kung iipunin mo sa isang buwan. Wag mo nga lang aabusuhin ang katawan mo, dahil mahal ang magkasakit. Pwede ka ding mag-take ng mga multivitamins, meron akong ginagamit, 5 pesos lang ang isa, pero buong araw, hindi ka na aantukin, ika nga, more energy mas happy!



Siguraduhin mo din na meron at meron ka pa ding oras para sa pamilya mo, para sa mga mahal mo, at syempre para kay babe mo, dahil malaki ang epekto kapag ikaw naman ay nasobrahan sa trabaho, hindi lang pisikal, pati nadin emotional. Merong ibang relasyon nasira ng dahil ang isa ay sobrang workaholic at wala ng time para sa pamilya at para sa ka-partner. Kaya 'pag nag-overtime ka ng nag-overtime, wag naman yung sobra-sobra, and make sure, ipaalam mo ito sa asawa mo o sa kapartner mo para hindi sya nag-aalala at hindi nya isipin na kung san-san kalang nagpupu-punta.


2. HIT THE TARGET TO HAVE INCENTIVE/COMMISSION

Meron naman na mga trabaho na nagbibigay ng komisyon o dagdag incentive on top ng sahod mo. Kailangan nga lang makapasa sa mga metrics, sa amin dati, may pinaka-mataas na metrics ay ang attendance at ang dami ng benta. Pero 'pag may absent ka kahit na isang araw lang o madami kang lates, sa isang iglap lang, tanggal lahat ng incentive mo! 



Kapag ganun, pwede mong kausapin ang boss mo o yung trainer nyo para mai-discuss nya ng maayos sa iyo kung paano mo makukuha ang incentive. Para magkaroon ka ng magandang strategy para kapag sumahod ka, mas malaki-laki ang makukuha mo. Total nagta-trabaho kana din naman, bakit hindi mo pa i-maximize yung potentials mo diba? 

Sa dati naming account bilang isang call center agent, pwede kang magkaroon ng commissions hanggang 20K pesos kada buwan kung paghuhusayan mo lang at mahi-hit mo lahat ng target. Madami sa amin ang nakakakuha ng 20K pesos,  meron namang 15K, merong 7K, 3k, at meron din namang wala. Kaya't kung nasa ganitong trabaho kadin naman, bakit hindi ka mag-take-advantage diba? Madadagdagan na ang kita mo, mas huhusay ka pa sa trabahong ginagawa mo!

3. ASK FOR RAISE

H'wag kang mag-dalawang isip o mahihiya na humingi ng dagdag sa sahod sa boss mo o sa mismong management niyo. Dahil meron talagang ibang kompanya, kahit abutin pa ng pagputi ng buhok mo ang pagta-trabaho mo sa kanila, kahit nagkaroon ka na ng maraming anak at ng madaming apo, hay naku, anu ba namang sahod yan, wala ng dagdag, sobrang liit pa!



Hwag kadin umasa na sila mismo ang lalapit sa'yo at aalukin ka ng dagdag sahod, dahil kung totoo yun, wala sanang mga ralihista na kumakalampag sa edsa at mga taong nagba-bangayan sa malakanyang para ang sahod nila ay mataasan.

At ngayon, kung handa ka ng lumapit sa boss mo at humingi ng dagdag sahod, dapat ay malakas din ang loob mo na tanggapin ang malulutong nilang "HINDI PWEDE!!!". Tanggapin mo nalang na ganyan talaga minsan ang pagiging isang empleyado, kahit sobrang galing mo, kahit sobrang sipag at loyal mo sa kanila, titipirin at titipirin ka padin nila. Remember that they are in a business, as much as possible, they want to lower their expenses, at kasama na du'n ang pagbibigay ng pasahod sayo.

4. LOOK FOR PROMOTION

Kadalasan, kapag na-promote ka, mas mataas nadin ang basic salary mo. Pero sa isang trabaho ko dati, madami sa amin ang ayaw ma-promote as supervisor or team leader,hindi lang dahil mada-dagdagan ang trabaho at responsibilidad mo, kundi mas maliit din ang tiyansa mo na makakuha ng malaking incentive or commission. Kaya ang iba sa amin, mas pinipili ang maging isang normal na empleyado lang, mas maliit nga ang basic mo, mas mataas naman ang tyansa mo na makakuha ng malaking commission.
Pero sa ibang kompanya, kapag na-promote ka, kalakip nadin nun ay ang pagtaas ng sahod at ng commission mo. Kaya kapag ganun, gawin mo yung mga nararapat para ikaw yung makita nila na karapat-dapat para mag-excell. Dapat angat ka sa iba at dapat mas magaling ka sa kanila. Dapat ay meron kading necessary skills para hindi na sila tumingin sa iba, tulad ng leadership, commitment, hard work at syempre, dedication.

Isipin mo nalang na kapag na-promote ka, malaking dagdag nadin yun sa budget ng pamilya, malaking bagay nadin yun sa pambayad ng kuryente, tubig, pambaon ng mga bata at pang-grocery. Saka isa pa, madadagdagan na yung savings mo, lalaki pa yung investment/s mo!

5. LOOK FOR A BETTER JOB OR CAREER

Kung hindi ka na masaya sa trabaho mo, it is reasonable to look for another job or career. Pwede nating sabihin na malaki ang sahod o yung kinikita mo, pero kung hindi ka naman masaya, what's the sense diba? Meron naman dyan ibang career o trabaho na pwdeng tapatan yung kinikita mo ngayon, kasabay nu'n, magiging masaya ka pa!


Kung ikaw naman ay nabu-bully, inaasar ng mga katrabaho o pinagti-tripan, it is advisable din na humanap na ng ibang trabaho. Sino ba naman ang gustong magtrabaho sa isang environment na hindi ka tanggap at hindi ka nagiging masaya diba?

Tandaan mo, hindi ka isang puno na may mga ugat na nakakabit sa lupa, kaya't kung hindi mo gusto kung nasaan ka ngayon, sige, humayo ka at maglakbay pa! Meron isang lugar dyan, yung matatanggap ka at maa-appreciate nila kung sino at akung ano ang meon ka.


In my next post, I'll share the "FINANCIAL TIPS AN EMPLOYEE SHOULD CONSIDER PART 2". By the way, have you found this helpful? Please do share so we can help others too!