Saturday, October 18, 2014

3 EFFECTIVE STEPS HOW TO MANAGE YOUR INCOME

Ngayon, pag-usapan natin ang tipikal na buhay ng isang Pilipino. Kapag dumating ang sahod, ano ang unang ginagawa? Sarap kaya kumain sa labas, sarap kaya mag-shopping, uminom ng alak kasama ang mga ka-trabaho, bumili ng bagong gadget at mga bagong damit. Sarap din kaya mag-unwind at lumayo sa mundo ng trabaho, eh kasama mo ba naman yung boss mo araw-araw at kung maka-utos ay kala mo kung sino, samahan mo pa ng mga ka-trabaho na araw-araw mong nakikita at araw-araw ding nakasimangot, sarap nu'n diba ? Haha :D

Masarap mag-enjoy, pero ang tanong, may ipon ba? Madalas kasi, ganito ang ginagawa natin,

“Kung ano ang natitira, yun nalang din ang itinatabi”

Pero ang tanong, may natitira ba? ‘diba kadalasan wala naman? Ang nangyayari kasi, mali ang strategy na ginagamit natin.

INCOME – EXPENSES = SAVINGS 

‘Pag dumating ang sahod, ang unang gagawin ay magbabayad kay meralco, magbabayad ng tubig, maggo-grocery at mag-aabot ng upa para sa bahay. Tapos, hindi ba’t mas masarap ang pumunta ng mall kapag bagong sahod? Dami kayang sale lalo na kapag katapusan! Ang hindi natin alam, marketing strategy naman yun ng mga businessmen para ma-tempt tayo na bumili ng mga produkto nila at para mapagastos tayo. Nandyan ang red tag na naka-50% discount, 70% discount at minsan meron pang malaking stand na nakalagay sa daanan ng madaming tao, 

If you buy 3, you GET the 4th item for FREE!


Kaya karamihan sa tipikal na Pinoy, milyonaryo sa araw ng sahod pero kawawa naman isang linggo makatapos ang sahod, wala ng panggastos at pati pamasahe, wala nadin! Kaya madami sa atin, walang ipon, walang investments at syempre, madaming utang hehe :)


3 EFFECTIVE STEPS HOW TO MANAGE YOUR INCOME

INCOME – TITHES – SAVINGS = EXPENSES

1. GIVE TITHE

Ibig sabihin, kapag dumating ang sahod o ang padala ni mister galing abroad. Ang unang gagawin ay magbalik ng 10% sa panginoon kung ikaw ay Christian. Sabi sa old testament, 
give 10% of your harvest go back to the lord. Sabi naman sa new testament,

        "Each one must give as he has decided in his heart, not reluctantly or under                                                        compulsion, for God loves a cheerful giver." 
                                                             2 Corinthians 9:7

Pero ang tanong, magkano nga ba dapat at ilang porsyento nga ba? Ang sagot,

“The more you give, the more you will receive.”

Kaya kung gusto mo ng mas madaming blessings, give more!

2. MANAGE YOUR EXPENSES

2nd, is to separate 20% of your income. Sabi din sa bible, separate the 1/5 of what you reap to prepare for the rainy days. Ilan ba yung 1/5? ‘Diba 20% yun?

Dito mo naman kukunin ang pagbuo ng Emergency Fund mo, it should be 3-6 months of your income, mas malaki, mas maganda. Para kung bigla kang mawalan ng trabaho, halimbawa nagsara yung pinagta-trabahuhan mo, o kaya naman bigla kayong nasalanta ng bagyo, biglang nasira yung sasakyan, biglang may nagsakasakit sa pamilya, eh di meron kang panggastos at meron kang madudukot.


After you build your emergency fund, pwede kana ding mag-start ng investment o ng gusto mong business. Yung pera na dapat ilalagay mo sa savings or emergency fund, yun na yung pera na gagamitin mo para magkaroon ka ng pang-puhunan.

3. MANAGE YOUR EXPENSES

At ang huli, manage your expenses and practice discipline. Ilang percent yung tithe, diba 10%? Ilang percent yung savings, diba 20%? Ngayon, yung natitirang 70%, dapat ay mapag-kasya mo sya sa pambayad ng ilaw, pambayad ng kuryente, upa sa bahay, shopping, pagkain sa labas, date sa jowa, pang-load sa cellphone ni jowa hehe :) , pambili ng gadget, pang out of town, lahat, lahat-lahat ng mga gastusin mo dapat mapag-kasya mo sa natitirang 70%. Mahirap ba? Oo naman, mahirapa talaga! Pero ‘wag kang mag-alala dahil sa umpisa lang ‘yan, pero lalo syang hihirap kung ayaw mo syang gawin at ayaw mong magbago.


Para mabawasan naman yung mga gastusin mo, pwede mong bawasan yung mga normal na binibili at pinag-kakagastusan mo. Halimbawa sa kape, kung dati nasa green logo ka kasi maganda yung ilaw, bumubula yung kape, malamig, may aircon at maganda yung ambience. Ngayon, yung kape nalang muna na nabibili sa tindahan ni Aleng Nena, haluin mo nalang ng haluin para bumula at wag mo lang lalagyan ng detergent powder para lang bumula (joke!), patayin mo nalang yung ilaw sa kusina at sala nyo para dumilim yung ilaw, dumikit ka muna sa ref na nakabukas at tumapat kana lang muna sa electric fan habang nagkakape, ewan ko lang kung hindi kapa lamigin nyan! Haha :D. Diba, ganun din naman, nakuha mo na yung reasons kung bakit dun ka nagkakape, nakatipid kana, magkakaron ka pa nang madaming ipon!

Kung madalas naman kayo kumain ni Honey sa labas at naka-candle light pa, ngayon para makatipid, kung kaya namang magluto sa bahay, bakit hindi diba? Nakatipid kana, nagkaron pa kayo ng bonding ni Honey sa kusina. Tapos pag luto na, eh di magtirik nalang din kayo ng kandila at magpatugtog ng mga theme songs nyo gamit ang dvd player, sweet padin naman sya diba? Diba pwede naman yun? Pwedeng cheap na kung cheap pero hindi bat gagawin nyo naman sya para mabayaran yung mga utang nyo kung meron man, para magkaroon ng educational plan sa mga bata at para din magkaroon ng pampuhunan sa business na gusto nyong itayo. Para 'pag nakaluwag-luwag na at malaki na ang kinikita ng business nyo o meron ng malaking ipon, pwede na kayong mag-dinner ulit, hindi lang sa candle light, hindi lang sa Pilipinas,  kundi pwede pa sa 5 star hotel at sa ibang bansa, at pwede pa kayong mag-bakasyon kasama ang buong pamilya! Hindi ba’t mas maganda yun?

Kaya ngayon, tiis-tiis muna. Meron namang mas magandang reward na naghihintay sa inyo para sa mga sakripisyong gagawin nyo ngayon. Hindi lang para sa inyo, kundi para din sa mga taong mahal nyo, para sa mga magulang mo, mga kapatid mo, mga kabarkado mo, mga katrabaho mo, at kung gusto mo, sama mo nadin pati yung mga kaaway mo! hehe :)



Ngayon ang tanong, handa ka bang mag-sakripisyo? Handa kabang magbago para sa mas ikabubuti? Handa ka bang mag-adjust para mabago ang buhay mo at ng magiging pamilya mo? Handa ka bang magtiis para makuha mo yung mga bagay na gusto mo? At handa ka bang gumawa ng aksiyon para matupad ang lahat ng mga pangarap mo? Dahil kung anong meron ka ngayon, siguradong yan padin ang meron ka kung wala kading gagawin na bago. Ang tanong,

GUSTO MO BA AT HANDA KA BA???

Sa tingin mo ba'y natulungan ka ng article na ginawa ko? Deserving din ba sya na mabasa at malaman ng ibang tao? I-share mo na! Natuto kana, nakatulong ka pa! Pwede mong i-click ang share button na nasa ibaba. Maraming salamat at nawa'y matupad ang lahat ng pangarap natin! :)

Monday, October 13, 2014

4 FINANCIAL TIPS OFW's MUST KNOW

1.TALK TO YOUR FAMILY


Mas maganda kung magiging open ka sa pamilya mo kung ano ba yung mga goals mo, at ‘wag kang mahihiya. Halimbawa, gusto mong yumaman, gusto mong magkaroon ng milyon, gusto mong patapusin si Junjun, makabili ng bahay at lupa sa probinsya at matupad ang lahat ng mga pangarap mo. Walang masamang mangarap at lalong hindi masama kung magtitiwala sa sariling kakayahan at potensiyal.

Mas maganda rin kasi kung aware sila sa mga plano mo. Atleast maiintindihan nila kung magkano lang ang maipapadala mo at magkaroon din sila ng proper expectations. Para sa huli, hindi nila sasabihin,


“Ang laki-laki ng sinasahod ni kuya/papa, pero ang liit naman ng pinapadala.”

“Ang laki ng sinasahod ni ate, saan nga ba napupunta?”

Ngayon, kapag alam na nila ang mga plano mo, hindi ba’t mas masarap gawin ang isang bagay kapag nandyan ang moral support nila? Mas mai-inspired ka at mas mamo-motivate pa!H’wag kadin mag-dalawang isip na magkaroon kayo ng mga pag-uusap tungkol sa pera. Pwede mo silang turuan kung paano magtipid, mag-budget at mag-invest. Para din naman ito sa ikabubuti ng buong pamilya.

2. MANAGE YOUR EXPENSES

Ngayon, bago mo kausapin ang pamilya mo o bago mo sila turuan ng pagtitipid at pag-iinvest, siguraduhin mo muna sa sarili mo na tama din yung ginagawa mo. Dahil kapag nagturo kalang, malamang hindi ka nila gagayahin  kung mali naman ang ginagawa mo at hindi kadin nila susundin kung hindi mo naman ginagawa ang mga tinuturo mo. Be a good example and show them the right way.

Pwede mo itong simulan sa pagtatabi ng 20% ng sahod mo at pagdidisiplina sa sarili. Kung may mga bisyo ka naman, mas maganda kung maiiwasan mo na sila. Tigilan mo na yung pagsusugal, paninigarilyo, pag-inom ng alak, pagbili ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan tulad ng gadgets, mamahaling damit at sapatos, instead, focus to your goal.

3.INVEST IN FINANCIAL EDUCATION

Imbes na mamasyal, mag-good time at mag-shopping kung saan-saan, mas maganda kung magkakaroon kadin ng pagkakataon para maka-attend ng mga financial seminars. Kung hindi kayang magbayad sa mga seminars na minsan inaabot ng ilang libong piso, meron din namang mga kompanya at mga organisasyon na nagibigay ng mga libreng financial talk. If you want, p'wede ka ding umattend sa ibinibigay naming Free Seminars, pwede mong i-click ang link na ito.

Maaari kading magbasa ng mga libro, sa pag-iinvest ng ilang piso sa pagbili nito, sulit na sulit naman yung mga matututunan mo. Halimbawa, yung Rich Dad Poor Dad ni Robert Kiyosaki, nabili ko sya sa halagang 299.00 pesos, pero nung matapos ko syang mabasa, pakiramdam ko nag-accelerate yung mga nalalaman ko ng ilang taon, feeling ko mas naging excited ako sa future kasi alam ko na ang mga dapat gawin at mga hindi dapat gawin. Yung mga maling posible kung magawa, yung mga bagay na dapat kong mabili, yung mga desisyon na gagawin ko sana, yung mga perang masasayang sana, naiwasan ko sya sa halagang 299.00 pesos dahil sa mga bagay na natutuhan ko at ang maganda pa nu’n, nai-share ko yung mga natutunan ko sa mga kaibigan at mga ka-trabaho ko.

Kung wala ka namang oras para lumabas pa ng bahay o hindi kayang ipilit sa schedule mo ang pag-attend sa mga malalayong financial seminars, pwede kading manood nalang ng mga videos sa youtube o magbasa sa mga social networks. Pwede kang mag-subscribe sa mga blogs at mag-like ng mga financial pages sa facebook. Sa ganung paraan, matututo ka padin sa limitado mong oras.

Ilang financial facebook pages:

Pesos and Sense
Ready To Be Rich
ANC On The Money
Chinkee tan
Robert kiyosaki
Kuripot Pinay

4. GIVE DEADLINE TO YOUR OFW LIFE

Hanggang kailan kaba maga-abroad?

Hanggang kailan ka ba magta-trabaho sa ibang bansa?

Magkano ba gusto mong maipon?

Ano ba yung mga dapat mong magawa bago ka tuluyang umuwi ng Pinas?

Ano ba yung mga dapat mong mabili at maipundar?

Kailan mo ba gusto makasama ng buo yung pamilya mo?

Kailan mo gusto makauwi para masubaybayan ang paglaki ng mga bata?

Kailan ka ba uuwi para matupad mo yung pangako mo sa asawa mo, na magsasama kayo sa hirap at ginhawa at hanggang sa pagputi ng mga buhok niyo?

Kailan ba?

Kailan nga ba?

Ilan lang ‘yan sa mga tanong na dapat kino-konsidera  kung ikaw ay isang OFW. Mas maganda kung may malinaw kang plano. Siguro naman ayaw mong magtrabaho sa ibang bansa at malayo sa pamilya diba? 

Hindi ba’t mas masarap kung meron kang sapat na pera at the same time, kasama mo ng buo ang pamilya? Hindi ba’t mas masaya kung ikaw mismo ang magpapalaki sa mga bata, hindi si Inday, hindi si kapitahay at hindi ang mga barkada? Hindi ba't mas masaya kung maihahatid at masusundo mo sila sa skwelahan, makakasama sa pagkain sa labas at maihehele kung sila’y matutulog na? Hindi bat mas masaya na ikaw ang malalapitan, makakasama at magbibigay ng payo sa oras ng mga problema nila? Hindi ba't mas masaya kung palagi kang nand’yan sa oras na kailangan ka nila? Hindi ba't mas gugustuhin mo na ikaw ang magsasabit ng medalya sa kanila sa araw ng graduation, hindi yung nakaharap ka sa laptop, tinitingnan ang mga pictures nila at unti-unting tutulo ang luha at sasabihin mo,

 “Sana andyan ako, sana ako nagsasabit nyan, anak pasensya kana, anak pasensya na kayo, h’wag kayong mag-alala, makakauwi din ang tatay.”

Hindi bat mas gugustuhin mo  sa tuwing wedding anniversary nyo ay magkasama kayong asawa mo, sabay kayong kakain, mag-uusap ng mga plano at aalalahanin ang sarap ng mga nakalipas? Yung tipong aalalahanin nyo kung paano kayo nagsimula, saan kayo nagkakilala, paano kayo nagligawan, paano nyo pinakilala ang isa’t-isa sa mga magulang, at syempre sarap alalahanin ng araw ng kasal nyo diba, yung mga handa, yung mga bisita at yung oras na isinuot nyo ang singing sa isa't-isa? Hindi bat ang lahat ng iyan, mas masarap gawin kung ikaw ay nasa tabi niya at kasama ang buong pamilya?Sana ay nakatulong ng malaki ang mga tanong na nasa itaas. Ngayon, isipin mo at paulit-ulit mong itanong sa sarili mo,

Kailan ba ?

Kailan nga ba?




Wednesday, October 8, 2014

WHAT IS THE BEST KIND OF COURSE TO TAKE IN COLLEGE ?

I have one friend, and she asks me what is the best course that her younger sister can take when she enters in  College. Ngayon, gusto ko lang i-share yung naging sagot ko sa kanya. Para kung meron ka din na same concern, maa-address nadin natin siya. :)

Sabi ko, investing is a very large subject. You can invest in real state, stock market, collectible items, family, trades  and many more.

Sabi nya, bakit ang layo naman yata ng sagot mo friend, ang tanong ko ay course, bakit naman napunta tayo sa investing? Sabi ko, let me explain… :) Eto yung naging sagot ko,

When I was in high school, I don’t have any specific course in my mind what I will take after graduation. Some of my classmates have already decided that they will take engineering, HRM and Medical courses. Sa pagkakaalala ko, year 2000’s kung kailan naging patok na patok ang nursing course dahil in demand daw sa ibang bansa at malaki daw ang sweldo.

High school years, that was the time na nag iisip tayo kung ano ba ang magandang investment, I mean investment in education or course. Iniisip  natin pagkagraduate natin kung saan ba tayo matatanggap, magiging masaya sa trabaho at syempre mas gugustuhin natin na mas malaki ang sasahurin (syempre naman!), sino ba naman ang ayaw ng malaki ang sahod diba? :)

Then I ask her,

Meron ka bang kilalang seaman? Nasubukan mo na ba siyang tanungin kung ano ang magandang kuning course, trabaho at malaki ang sahod? Then i said, if he is successful for being a seaman, nakapagpundar siya ng malaking bahay, nakapag-paaral ng mga anak sa magagandang iskwelahan at may magandang buhay. Malamang isasagot niya sayo,

“Mag seaman ka, malaki ang sahod, marami ka ng mapupuntahang lugar, makakabili ka ng kotse, bahay at makakapagpundar ka pa ng madami. Kaya’t mag-seaman ka nalang.”

Same scenario, try to ask a seaman with the same question, he has a lot of money, but the thing is, this seaman has a broken family, niloko siya ng asawa niya kasi lagi daw siyang malayo (hindi nakapag-tiis), yung mga anak niya, napa-sama sa masasamang barkada, naging adik sa alak-sigarilyo at na-kickout sa school. Now his answer to your question is,

“Huwag ka na mag seaman, mas malaki nga ang sahod mo, mapapalayo ka naman sa pamilya mo, kung maibabalik ko lang ang panahon, mas pipiliin ko pang dito magtrabaho sa pilipinas, maliit nga ang sahod mo, magagampanan mo naman ng buo ang pagiging asawa mo at masusubaybayan mo pa sa paglaki ang mga anak mo”.

In both scenario, hindi naman talaga nila sinagot yung tanong mo kung ano ba ang magandang trabaho, magandang kurso at malaking sweldo. Ang nangyari, they just told you their story.

My point here is, you can be successful if you decided to become a seaman. But the thing is, there are always consequences, hindi lang sa pagiging seaman kundi sa lahat ng klase  ng trabaho at industry. Being an OFW has advantages and disadvantages. Mas malaki sahod pero mas malayo naman sa pamilya. Being an employee here in the Philippines, has both advantages and disadvantages. Pwedeng malapit ka sa mga mahal mo sa buhay, pero pwedeng mas maliit naman ang sasahurin mo. Sa pagiging sundalo, makakapag-lingkod ka sa Inang-Bayan pero yung pamilyang maiiwan mo, walang gabi na hndi sila makatulog kakaisip at naga-alala sa’yo. Sa abugado, marami ka nga natutulungan na maresolba ang mga kaso pero pwedeng pamilya mo naman ang nasa peligro, kasi pwede silang balikan ng mga nakabunggo mo sa korte. ibig sabihin kahit anong course kunin mo, kahit anong trabaho pasukin mo, there are always good side and bad side. Maaaring hindi mo ramdam sa sarili mo pero meron at meron yan sa mga taong nakapaligid sayo.

Now my advice to her, If your sister want to be a successful businessman, mas maganda kung makikinig siya sa isa ding successful businessman hindi sa isang empleyado dahil magkaiba sila ng mga ia-advice. If she wants to be a popular dancer like Vhong Navarro, mas maganda magpaturo siya sa mga katulad ni Vhong at Billy at hindi sa amin kasi parehong kaliwa mga paa namin hehe :). If she wants to be an engineer, then she should spend her time with engineers. If she wants to be a scientist, then she should ask her questions to scientist people. If she wants to be a chef, then her favorite place should be in the kitchen. If she wants to be a car racer, then she should be spending her times with the cars and race tracks. Then, if she wants to be rich , then listen to rich people, study their lives, adapt how they think and learn from their stories.

This world has a kind of bias, if you ask someone, they will tell you that their field or industry is the best investment you need to take. Try to ask someone who failed in that industry and she will tell you different things, ‘don’t take that way, it’s dangerous, it's very hard and you will not be successful’. My point here is, you should know what you want, and if you knew it, then find someone who is successful and being there already, then listen to him, ask him, learn from him and follow him.

Then, make sure that you have plan, from short term medium term and long term. Dahil 'pag wala kang plano para kana ding naglaro ng basketball na walang ring, hawak mo na ang bola at pagkakataon na mai-shoot, pero hindi mo alam ang sunod na gagawin kasi wala kang inisip na destinasyon.


Maybe there were times that being a high school student,  wala pa silang ka-clear na plano tulad ng mga nabanggit ko o tulad natin. Pero since na nabasa mo na’to, I believe it should be added to your responsibility na wag maging bias sa kanila, at wag ipagkait kung ano ba talaga ang gusto nila. Maybe they have decisions na talagang mali, but instead of blaming then, I believe it’s better to guide them.

Now, what is the best course? There is no worst, good, better or best course. It always depends on the person's plan, goals, and wants to achieve in life. Tulad ng isang ulam, maaaring paborito ko ang adobo at ayaw mo naman, at maaaring paborito mo naman ang atay ng baboy pero ayaw ko naman. It always depends...

Sunday, October 5, 2014

SAVING IS DIFFERENT FROM INVESTING

Nakakaamad mag-ipon diba? Ang liit naman kasi ng benefit eh, tama ba? Ang bagal magpa-yaman ng pag-iipon, ayoko!

Siguro ilan lang din yan sa mga dahilan kung bakit hindi kanag-iipon or nagsi-save. Pero ngayon, may gusto ako i-share sa’yo,

“Saving is different from Investing”

Madami kasi sa atin, tinitingnan and pag-iipon as pag-iinvest. Marami kasi sa atin ang hindi nabigyan ng magandang pagkakataon para magkaroon ng proper education in terms of investing. Kaya madami sa atin, we see investing same as saving.

The main purpose of saving is for Emergency Purposes, kumbaga, pinaghahandaan mo yung mga tag-ulan na darating. Pwedeng,

- Posibleng pagbagsak ng market
-    - Pagpapa-gamot ‘pag nagkaron ka ng sakit
-    - Pagkawala ng trabaho
-    - Pagpapa-gawa ng sirang bahay
-    - Pagkawala ng trabaho
-    - Biglaang pangangailangan ng mga mahal sa buhay
-    - Pagpapa-ayos ng sasakyan
-    - Paghahanda kung sakaling masalanta ng bagyo
-    - Pambayad ng tuition
-    - At marami pang iba…

Para sa’kin, gagawin mo ang pagsi-save para mabayaran mo, o may panggastos ka sa ang mga bagay na dapat or kailangan. Pagdating naman sa investing, gagawin mo s'ya ngayon, para pagdating ng araw, magagawa mo ang bagay na gusto mo, mabili mo yung mga gusto mo, mapuntahan yung mga lugar na gusto mo at para matupad mo yung mga pangarap mo. Pagdating sa investing, ang pinag-uusapan dito, it is more on financial freedom and time freedom.

Halimbawa ng ilang reasons kung bakit ka mag-iinvest;

-   - More time sa family
-   - Travel around the world
-   - Dream car
-   - Dream house and lot
-   - Retirement, living on interest
-   - Time freedom
-   - Future family
-   - Gusto mo masubaybayan paglaki ng mga anak mo
-   - Ayaw mo maging OFW habang buhay
-   - Ayaw mo maging empleyado habang buhay
-   - To have business/es
-   - Gusto mo magawa ang passion mo (Astronomy sakin :) )
-   - Para magtayo ng charity
-   - Gusto mo hawak mo oras mo
-   - At lahat ng tao may iba’t-ibang gusto sa buhay…depende sa gusto mo...

Ikaw sa tingin mo, makukuha mo kaya lahat ng goal and dreams mo para sa’yo at para sa family mo if you are just saving? Challenge ko sa’yo, try to compute how much you can save per year and try to imagine how much you can save after 10 years. And now, ask yourself again,

“ Ano kaya mabibili ko or ano kayo kaya mararating ng naipon ko?”

Hindi ko sinasabi na mag-invest ka sa finances, it is always depends on what your goals are. Each goal deserve to have an specific way how you can achieve it. But if you believe that investing in financial industry will help you a lot to achieve your goals and to maximize your potentials, I highly encouraged you and we are willing to help you :) . But don’t forget, that before you invest in any kind of field or industry, always make sure that you already knew why will you invest.


Have you found this helpful? Please do SHARE and we can HELP others too !

Wednesday, October 1, 2014

IT IS CALLED ACTION AND DISCIPLINE


“Mag-iipon na nga ako next month”

Narinig mo na ba yan? Siguro oo o kaya naman ikaw mismo ang nagsabi :). Being an employee, sometimes it is very hard for us to separate a portion of  our income. Kasi may inaaasahan naman tayo next month eh, masyado din naman maliit masi-save ko this month, gagastusin ko muna, next month nalang ako magsisimula mag-ipon o mag-invest. Siguro ilan lang din yan sa mga pumapasok sa isip mo tuwing sumasahod ka, tama ba? Ok lang yan, dahil dati, katulad mo din ako :)

Ganto nalang isipin mo, isipin mo lahat ng pangarap mo para sa pamilya mo, mga gusto mong marating, mga gusto mong matulungan, mga gusto mong mapuntahan at maabot. Tapos tanong mo sa sarili mo, 

‘Makukuha ko kaya lahat ng ‘yun kapag wala akong ginawang aksiyon?’ 

Magagawa ko kaya lahat ng ‘yun kapag lagi ko sinasabi sa sarili ko,

“Next month na, bukas na, mamaya na at next year na”

Katunanayan, madami naman talaga sa atin ang alam kung ano ang dapat gawin kung paano ba makukuha ang mga gusto natin sa buhay. Nagkataon lang din siguro, na mas madami ang ayaw gumawa ng aksiyon. Hindi lamang sa pagtitipid at pag-iinvest kundi pati nadin sa napakaraming bagay.

Halimbawa,

“Bawal tumawid nakamamatay”

“Gusto ko ng magbagong buhay”

“Bawal magtapon ng basura dito”

"Mag-aaral na ako next sem"

“Bawal dumura”

"Hindi na ako magla-lasing"

“No Parking”

"Hindi na ako maglo-loko sa asawa ko"

“Mag-ingat sa aso”

“Cigarette smoking is Dangerous to your health”

"Maga-apply na ako next week"

“Drink Moderately”

Pero bakit madami padin ang nasa-sagasaan dahil sa maling tawiran? Bakit madami padin ang namamatay ng dahil sa alak? Bakt madami padin bumabagsak sa school dahil na-addict sa computer games? At bakit madami padin ang nagkakasakit sa baga ng dahil sa sigarilyo ?
It is called discipline. Yung iba mas gustong tawagin ‘tong self control or motivation because they knew already what they need to do and what they don’t have to do to reach their goals.

“ The distance between your dreams and reality is called ACTION and DISCIPLINE.”

Pagdating naman sa pera, gan’to lagi isipin mo, kapag hindi ka nakakapag-tabi ng piso, malamang sa malamang hindi kadin makakapagtabi ng milyon. Bago mo mabuo ang isang milyon, you need to have first a hundred thousand, for you to have the hundred thousand, you need to have first one thousand, and you can’t have that if you don’t have a 100 pesos, and you can’t have that all if you don’t have a peso.

Now, save a peso so in the in the future you can have a million. It will start from small at hindi mo namamalayan, yung paunti-unti na yan, pagdating ng araw, hindi mo na yan kayang bilangin.


Have you found this article helpful and deserved  to be shared ? Please click the SHARE button below so others can benefit too! You SHARE, then we HELP! :)