1. YOU BELIEVE THAT MONEY IS THE ROOT OF ALL EVIL – An average person believes that “Money is the root of all evil.” While rich people believe that “It is the lack of financial education that will make you poor and will keep you poor forever.” Sabi nga diba, kung gusto mong maging isang inhenyero, dapat ay mag-aral ka ng mga engineering subjects. Kung gusto mo naman maging isang doctor, dapat ay kumuha ka ng medical course/s. Ganun din sa pagpapa-yaman kaibigan, kung gusto mong maging isang mayaman, dapat ay mag-imbak kadin ng aral-pinansiyal. Saka wala naman yan sa pera o kahit na anupamang bagay na hinahawakan mo, palagi, nasa humahawak padin yan kung gagamitin niya sa masama o gagamitin niya sa tama.
2. YOU BELIEVE IN LUCK OR DESTINY – Ang isang taong may poor mindset, umaasa lang sa biyayang darating at naniniwala sa suwerte tulad ng lotto, sugal, jueteng at bahala na si batman . Kaya nga ang buhay nila mahirap diba? Kasi ang ginagawa nila at kung paano sila mag-isip ay pang-mahirap lang din at katulad ng karamihan. Sabi nga, “If you don’t want to be like them, then don’t do what they have done. And if you want to be like someone, then ask him what he did and follow his advice.” Kaibigan, ikaw ang may hawak ng buhay mo, ikaw ang magde-desison para sa sarili mo at higit sa lahat, ikaw ang gagawa ng sarili mong kapalaran. Ikaw ang may hawak ng lapis ng buhay mo, kaya lagi mong tandaan, ikaw ang magsusulat ng libro ng buhay mo at ng susunod mong mga kabanata.
3. YOU STICK TO YOUR PAST- There is a saying, “Past is Past.” Kaibigan, ang kahapon ay kahapon, ang ngayon ay ngayon, at ang bukas ay bukas. Kaya’t kung patuloy ka parin na nabubuhay sa iyong mga nakaraan, mahihirapan kang umabante sa byahe ng buhay mo. Dahil kung hindi mo napapansin, meron kang mga binibitbit na pabigat para makausad ka sa lugar na gusto mong puntahan at dapat mong mapuntahan. Mas maigi, iwan mo na muna sila, isantabi mo na muna sila, wag mo na muna silang intindihin at kung pwede, kalimutan mo na sila. Hindi bat mas madali ang maglakad at mas mabilis kang makaka-takbo mo kung wala kang dala-dalang mga pabigat?
Mapa-lovelife man yan, nag-break kayo last year? Ok lang yan, marami pang iba diyan! Mapa-career man yan, nalugi ka last year? Ok lang yan, a real investor fails first to his 1st and 2nd attempts, but still, he stands up and never give up! Bagsak ka sa school, ok lang yan! Tandaan mo, si Albert Einstein ay ilang beses bumagsak sa mga subjects niya nu'ng nag-aaral pa siya noon. Pero ngayon sino siya? 'Dibat isa siya sa pinakamagagaling sa kasaysayan? Kaya ok lang yan!
4. YOU BELIEVE THAT IT TAKES MONEY TO MAKE MONEY – This is one of my beliefs before, I believe that it takes money to make money. Hindi ko maintindihan, dahil kung talagang isiipin mo, bago ka naman talaga makapagsimula ng isang negosyo ay kailangan mo ng pera. Bago ka din makapag-simula ng isang investment ay syempre kailangan mo din ng pera. Kaya pano mo masasabi na ‘'It does not take money to make money'’, tama ba? But throughout my journey in this Financial World, I am now convinced that it does not take money to make money, it takes Right Financial Education. To give you a heads up, rich people uses other peoples’ money to make more money.
5. YOU BELIEVE THAT INVESTING IS RISKY – Akala ko dati, you need to have an extra super majic formula if you want to become rich or if you want to start investing. Kaya ang mindset ko dati, kung mas madami ang mahihirap sa mundo kumpara sa mga mayayaman, ibig sabihin, meron kang mga dapat gawin na hindi ginagawa ng pangkaraniwang tao (Oo totoo yun, but not the end of the story).
Kaya ang paniniwala ko dati, sobrang mahirap ang pagpapayaman, pag-iinvest at hindi basta-basta (Yes mahirap talaga siya kung hindi mo alam ang ginagawa mo). Sabi nga ni Warren Buffet, “Risk comes from not knowing what you are doing.”
Kaya if you want to start investing or if you want to have a business, I highly suggest to plan first, ask for an expert, read some articles, at syempre ang pinaka-mahalaga para sakin sa lahat, is to start and keep educating yourself.
Kaya ang paniniwala ko dati, sobrang mahirap ang pagpapayaman, pag-iinvest at hindi basta-basta (Yes mahirap talaga siya kung hindi mo alam ang ginagawa mo). Sabi nga ni Warren Buffet, “Risk comes from not knowing what you are doing.”
Kaya if you want to start investing or if you want to have a business, I highly suggest to plan first, ask for an expert, read some articles, at syempre ang pinaka-mahalaga para sakin sa lahat, is to start and keep educating yourself.
6. YOU HAVE FULL OF DOUBT – Duda ka ng duda, ang tanong ko sa’yo, may napuntahan na ba yang kakaduda mo na yan ah? Duda ka dito, duda ka doon, pati mukha mo nagmukha na tuloy kaduda-duda hehe biro lang :). Kaibigan, kung ang lahat ng bagay sa mundo ay pagdududahan mo, sa tingin mo saan ka kaya makakarating? Hindi ba't kung panay ang duda mo at lagi kang takot na sumubok ay mas kakaunti lang ang mararanasan at mga matututunan mo? Kaibigan, kailangan mo ng kaunting tapang at lakas ng loob kung talgang gusto mong maging successful at magtagumpay sa buhay. Walang taong naging mayaman at natupad ang mga pangarap ng panay lang duda ang ginawa at walang ginawang aksiyon.
7. YOU DON’T BELIEVE IN YOURSELF - Sabi nga ni Henry Ford, "Whether you think you can or you can't, you're both correct." Ayan ang isa sa pinaka-wag na wag mong gagawin, ay ang pagdudahan ang sarili mong kakayahan. Dahil alam mo ba, sa oras na wala nang ibang tao ang naniniwala sa'yo, ok lang yun, dahil ang higit sa lahat ay naniniwala kapa rin sa sarili mo. Kung titingnan mo ang kasaysayan, sila Michael Jackson, Albert Einstein, Oprah Winfrey, Steve Jobs, Thomas Edison at marami pang iba, napakarami ding tao ang hindi naniwala sa kanila. Pero pinagpapatuloy nila ang gusto nila dahil alam nilang kaya nila at higit sa lahat, may tiwala sila sa sarili nila. Kaya kaibigan, nagtitiwala ako sayo at dapat magtiwala kadin sa sarili mo, ok? Dahil lahat ng pwede mong gustuhin sa mundo ay kaya mong maabot, basta lakpan mo lang ng sapat na aksiyon, at syempre, pagtitiwala sa sarili.
8. YOU BELIEVE THAT RICH PEOPLE ARE GREEDY - Tanungin kita, may kilala ka bang tao na mahirap pero mukhang pera? Sigurado ako meron kang kakilala. Dahil kung ako ang tatanungin, hay naku, hindi ko mabilang! Haha :D . Tama ba? Wala naman sa status yan kung greedy ang isang tao o hindi eh, mapa-mayaman o mapa-mahirap, may mga taong greedy pa din. Atsaka kung pagiging greedy ang paguusapan, wala naman sa dami ng perang pag-aari yan eh, nasa ugali yan, paniniwala ng tao at higit sa lahat ay takot sa Diyos.
Alam mo ba na ang mag-asawang Bill at Melinda Gates ay merong itinatag na foundation, ito ang pinaka-malaking foundation sa buong mundo kung saan ang goal nito ay makapag-bigay ng mabuting kalusugan at mabawasan ang sobrang taas na kahirapan. Hindi lang milyon sa pera nila ang napupunta sa foundation kundi bilyun-bilyon, ibig sabihin, ibinabalik nila yung ilan sa mga perang kinita nila sa publiko para makatulong lalung-lalo na sa mga mahihirap. Ngayon tanungin kita, lahat ba ng mayayaman ay greedy? At kung "OO" ang sagot mo, kaibigan, nasa isip mo lang yan...
Alam mo ba na ang mag-asawang Bill at Melinda Gates ay merong itinatag na foundation, ito ang pinaka-malaking foundation sa buong mundo kung saan ang goal nito ay makapag-bigay ng mabuting kalusugan at mabawasan ang sobrang taas na kahirapan. Hindi lang milyon sa pera nila ang napupunta sa foundation kundi bilyun-bilyon, ibig sabihin, ibinabalik nila yung ilan sa mga perang kinita nila sa publiko para makatulong lalung-lalo na sa mga mahihirap. Ngayon tanungin kita, lahat ba ng mayayaman ay greedy? At kung "OO" ang sagot mo, kaibigan, nasa isip mo lang yan...
PS-May mga natutunan ka ba sa mga nabasa mo? Share mo naman! dahil ang blessing, dapat isini-share yan! Tama ba? At kung meron ka namang naiisip na sa tingin mo ay ikagaganda pa ng nagawa kong akda, I'll be more than happy to hear that! So please send me a message so we can help more our fellow Filipinos!